PNoy pumila sa pag-renew ng driver's license



MANILA, Philippines - Hindi ginamit ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang puwesto upang mapadali ang proseso sa pag-renew ng kanyang driver's license ngayong Huwebes sa Maynila.

Sinunod ni Aquino ang pila at tamang proseso sa pag-renew ng kanyang lisensya sa opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Tayuman, Maynila.

Inabot lamang ng halos 30 minuto si Aquino sa opisina ng LTO.

Nag-renew ng lisensya si Aquino dalawang araw bago ang kanyang ika-54 na kaarawan.

Kilala si Aquino sa pagsunod nang mga simpleng patakaran, kabilang ang pagsunod sa traffic light kahit nakasalalay ang kanyang seguridad.

Maaalalang ipinagbawal ng Pangulo ang paggamit ng wang-wang sa kalsada maging sa mga pulis.

Source: PNoy pumila sa pag-renew ng driver's license | Bansa, Pilipino Star Ngayon Sections, Pilipino Star Ngayon | philstar.com
yan ang presidente. kung sa mall LTO renewal center baka 10mins lang.