New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #1
    Si Prospero Pichay ang pinaka-gastador sa TV ads nitong kampanya, ayon sa Nielsen Media Research.

    Lantang gulay man sa surveys si Pichay, numero unong gastador naman siya sa TV ads na pinagbibidahan ang paborito niyang gulay.

    Ayon sa Nielsen, may P109 million na ang nagastos ni Pichay sa TV commercials.

    Nilampaso rin ng Team Unity (TU) ang Genuine Opposition (GO) sa paggastos sa TV ads.

    May P2.75 billion na ang nagastos ng administrasyon, walong beses ang laki kumpara sa oposisyon. Walo sa 10 top ad spenders ang galing sa administrasyon.

    Sumunod kay Pichay sina Joker Arroyo, Manny Villar, Edgardo Angara, Vicente “Tito” Sotto III, Mike Defensor, Tessie Aquino-Oreta, Ralph Recto, Loren Legarda at Miguel Zubiri.

    Giit ng media experts, kritikal ang huling tatlong linggo ng kampanya.

    Sa pamamagitan ng TV ads, maaring makahabol pa ang mga kulelat at makumbinsi ang mga botanteng hindi pa buo ang pasya.

    Ayon sa Nielsen, batay sa nagdaang halalan, walo sa 10 top media spenders ang nanalo sa pagka-senador kaya siguradong lalo pang bubugbugin ng political ads ang telebisyon sa mga huling linggo ng kampanya.


    Source abscbnnews


  2. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #2
    walang hyang mga gastos yan...saan kaya galing malaking porsyento ng funds na yan...

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3
    Tang na talagang alipores ng administrasyon na to halos sila na lang gumagastos sa mga buwis na ibinabayad natin.

    Yang mga TV stations naman siguradong tuwang-tuwa. Yung 30 secs. 90k kaagad.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #4
    nampuchang 2.7b billion yan.... grrrrrrr


    for sure lalaki pa yan.. ust imaging kung gaano kalaki ginagastos ng mga kandidato during election..

    dapat ang election, gawin na lang contest


    paramihan na maipapatayong bahay,
    paramihan ng mapapagaral,
    paramihan ng mabibigyan ng trabaho

    haaaay naku

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #5
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post

    Yang mga TV stations naman siguradong tuwang-tuwa. Yung 30 secs. 90k kaagad.
    ang huling alam ko last year, as per GMA 7's rate, a 30 seconder commercial is aroung 350k-460k, depende sa oras at palabas. ABS CBN is a little cheaper

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #6
    Quote Originally Posted by razaec racing View Post
    ang huling alam ko last year, as per GMA 7's rate, a 30 seconder commercial is aroung 350k-460k, depende sa oras at palabas. ABS CBN is a little cheaper
    Hindi pa pala nangangalahati yung 90K

    Sa ibang bansa ba ganito din kung gumastos sa election ang mga kandidato?

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    the spending is actually good.

    that's 2.75B na iikot ngaun taon 'to sa Pilipinas. sa mga binayaran nila kumita yun mga kumpanya which in turn, gasgastusin din and so on and so forth

    wala naman nawawala sa tingin ko. money changed hands lang ika nga.

    that's the beauty of elections. you get to spend all the collected income tax, VAT, witholding tax, custom tax at kung anu-ano pa tax na nakuha ng gobyerno back to the people again.

    kaya pala kahit summer ngaun at walang students, ok ang mga businesses at malls.

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #8
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Tang na talagang alipores ng administrasyon na to halos sila na lang gumagastos sa mga buwis na ibinabayad natin.

    Yang mga TV stations naman siguradong tuwang-tuwa. Yung 30 secs. 90k kaagad.
    Kung galing talaga sa taxes ang P2.75 billion na ito, saan kaya pupunta ito kung hindi magagastos sa election?

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #9
    Quote Originally Posted by j_avonni View Post
    Kung galing talaga sa taxes ang P2.75 billion na ito, saan kaya pupunta ito kung hindi magagastos sa election?
    Bulsa ni Gloria at ng mga alipores niya. Dami ng matutulungan niyan kung gagastusin sa tama.

P2.75 Billion