Si Prospero Pichay ang pinaka-gastador sa TV ads nitong kampanya, ayon sa Nielsen Media Research.
Lantang gulay man sa surveys si Pichay, numero unong gastador naman siya sa TV ads na pinagbibidahan ang paborito niyang gulay.
Ayon sa Nielsen, may P109 million na ang nagastos ni Pichay sa TV commercials.
Nilampaso rin ng Team Unity (TU) ang Genuine Opposition (GO) sa paggastos sa TV ads.
May P2.75 billion na ang nagastos ng administrasyon, walong beses ang laki kumpara sa oposisyon. Walo sa 10 top ad spenders ang galing sa administrasyon.
Sumunod kay Pichay sina Joker Arroyo, Manny Villar, Edgardo Angara, Vicente “Tito” Sotto III, Mike Defensor, Tessie Aquino-Oreta, Ralph Recto, Loren Legarda at Miguel Zubiri.
Giit ng media experts, kritikal ang huling tatlong linggo ng kampanya.
Sa pamamagitan ng TV ads, maaring makahabol pa ang mga kulelat at makumbinsi ang mga botanteng hindi pa buo ang pasya.
Ayon sa Nielsen, batay sa nagdaang halalan, walo sa 10 top media spenders ang nanalo sa pagka-senador kaya siguradong lalo pang bubugbugin ng political ads ang telebisyon sa mga huling linggo ng kampanya.
Source abscbnnews
![]()


Reply With Quote
