ganito dapat open space. Hindi yung lalagyan puro tindahan wala katapusan na retail space.

Kailangan ng tao meron unwind na uupo wala gagastusin

but lagyan ng security guard kasi para tabuyin magiisquatter.

and the tiles eh mukhang hindi madulas. Tamang-tama.

Ano kaya tinanim jan bakit magkakadikit?

- - -


Isko Moreno Domagoso
9h ·
Magandang balita mga Batang Maynila! Natapos na po ng ating mga kasamahan sa Department of Engineering and Public Works ang paglalagay ng bricks sa ating ginagawang Baseco Baywalk!
Maliban po dito, ay tapos na rin po ang pagpipintura nito upang maging maaliwalas po sa ating paningin kapag po tayo ay dumayo dito sa oras na buksan po natin ito.
Mga kababayan, may munti lang po akong pakiusap sa inyo. Sana po alagaan po natin ito. Ito po ay regalo sa inyo ng pamahalaang lungsod kung kaya naman po sana ay panatiliin po natin ang kalinisan nito sa lahat ng oras. Kailangan po namin ang tulong ninyo upang makamit po natin ang inaasam nating Bagong Maynila.
Manila, God First!














#aliwalas

#naaarawananglupa

#mauulanandin