Will you agree that The President grant pardon to erap?some pinoys are kind-soft-hearted people and some are stone-hearted.
Will you agree that The President grant pardon to erap?some pinoys are kind-soft-hearted people and some are stone-hearted.
Stoned-hearted ako............
Walang pardon - pardon. Makulong siya. Hiramin ko yung nasa Just for Laughs thread........"You hardened there!"![]()
if truly convicted at walang halong kalokohan yong ginawa sa kanya, dapat alang awa awa.once kasi binigyan ng awa yan, lahat nalang ng magnanakaw (which sandamukal sa hanay ng gobyerno ngayon, na makakapal ang pagmumukha at may gana pang magdemanda ng libelo) gagawing sample yong case nya, so suma tutal ala ng makukulong ng kawatan.
exactly what i was thinking...paano nalang kung ang next president ay kaibigan ni erap....with all these scams in GMA's term...kahit nga di kaibigan ni erap ang next president...kasi pag yung next president malakas ang loob na kasohan si pandak at si jose pidal...at kung galit parin si erap at mga kaibigan nya...maraming tutulong para ipakulong din si pandak.
Malambot ang puso ko lalo na sa matatanda. Nakakaawa naman si Erap kasi 70 plus na makukulong pa...
Kaso sa isang banda pag pinardon mo yung nagnakaw ng tens of millions, e siguro dapat ipardon na rin yung daang libong naka kulong mula sa cellphone snatcher, mga carjacker hanggan sa mga tiwaling opisyal ng gobierno na tinatawag nating small fish..Yung celphone snatcher nga na minsan wala pang 10k yung na snatch kulong na gulpi sarado pa, tas yung milyones may pa pardon pardon pa, parang di ata tama yun ah..![]()
Kulungan ba ang tawag doon sa resthouse niya sa Tanay..bale bakasyon ang nangyari sa pagkakulong sa kanya..Puwede pang ibilin sa guwardiya huwag papasukin ang asawamo, puro kabit lang.Meron din provision sa batas daw na above 70 years ,puwede nang di na ilagay sa kulungan ang preso, according to the acting secretary of justice..Demavera ata pangalan..Baka mamaya magpagawa si erap ng beach resort doon naman lilipat.
![]()
pardon, amnesty, parole.... ayaw ni erap lalo na parole.....dahil malayo pa daw ang x'mas....damn rains!!!! nagiging corny ako....hehehehe
Papayag ako sa pardon kung:
- Aaminin nya ang mga kasalanan nya, publicly
- Isasauli lahat ng illegal na yaman nya
- imbes na siraan at/o tirahin kung sino man sa gov ay suportahan nya at tulungan. or manahimik na lang siya.
walang pardon pardon, plunder ang kaso dito. pag pinardon or amnesty pa yan, pano na si gloria in the future? baka mapardon din o bigyan ng amnesty? dapat kulong talaga para magsimula ng mag-isip isip si gloria.
for me, kung hinde nila mafo-follow through na meron din ma kulong na "big fish" eh ipardon na lang nila....or sana yun mga kakampi ng admin ang isunod...like yun kay nani perez...mismong swiss gov't na ang nagbigay ng paper trail sa atin ,pero anong nangyari inupuan lang sa ombudsman....
No pardon, amnesty or clemency. Dapat ikulong sa Munti.
This should be the finest hour of our justice system, the 1st ex-president to be convicted, tapos pardon agad?? Hindi pa nga nakakatapak sa NBP, palalayain na. Erap should be put his money where his mouth is. Sabi nya, ok lang pakulong sa Munti, eh di dalhin agad siya dun!
This early, 3P is covering her bases, para when the time comes for her to be detained, ipa-pardon din siya.
Sama ako sampu sa yo bro! Akalain mo nasa top ten most corrupt leader in the world pa!!
Ngayon kung si Mrs President ay corrupt din at may ebidensya, ipunin lahat at isampa sa korte after 2010. Sa ngayon kasi puro dyaryo pa lang at bunganga ng opposition ang ebidensyang alam ko. May ebidensya na sana eh Doble kara pa!!![]()
if I'm the President, I will pardon him for the sake of national unity. I will also give him a an opportunity to correct his acts by giving him a position in the NGO's.
Naiinis ako sa mga tao na nagsasabi na dapat daw patawarin
si Erap because of his "stature" as a former President.
I say B---s--t to that! The law should even be stricter and unforgiving to those people occupying high political position and committed a crim(especially plunder!). The people put their trust in that person by voting him into
office and the subsequent betrayal of that trust is to me a very grave
crime that is inforgivable, to say the least!
Tanong ko lang, pag na-pardon ba si Erap, wala na rin yung civil
liabilities niya? In other words, hindi na ba hahabulin ng gobyerno
yung kanyang so-called ill-gotten wealth like the Boracay mansion,
and billions of pesos (jueteng and kickbacks) in the Velarde and
Muslim Youth accounts?![]()
Dapat lang na ikulong............at isunod pa ung mga iba pang taong gobyerno na may kaso. Naku, pag nagkataon giginhawa na ang Pilipinas![]()
Nobody is above the law! Dapat ikulong yan! Gawing example si Erap para magsilbing leksyon para sa lahat ng mga corrupt sa gobyerno.
Pero paano pala yung pera na ninakaw ni Erap? May pag-asa pa bang maisoli sa gobyerno? Kung sabagay, nanakawin din yon ng ibang mga pulitiko....
Last edited by nitrox; September 21st, 2007 at 09:59 PM.
taena, pardon or not it wont make any difference. buhay hari pa din sa "loob" yan special treatments and such.
kahit hatulan ng habang-buhay, eh matatawa lang yan si erap.
how about death penalty?! pambayad utang nung nasa PACC pa sya :clap: