New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 46
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,271
    #1
    from: www.inquirer.net

    May araw din kayo

    There's The Rub
    By Conrado de Quiros
    Philippine Daily Inquirer
    First Posted 01:04:00 08/17/2009


    Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.

    Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.

    Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.

    Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.

    Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.

    Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.

    Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

    Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

    Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.

    Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.

    Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.

    At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.

    Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.

    Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.

    Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

    At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

    Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

    May araw din kayo.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.

    ..........:hysterical:

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #3

    Ganyan ngang kamuhi ang taong bayan, lalo na ang mga Pilipinong nagbabayad ng tamang buwis......

    8505:bat:

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #4
    bottom line is:

    kaya halos magpatayan ang mga naglalaban sa election...

    lahat gusto maupo sa pwesto...

    hindi dahil sa matatanggap na sweldo bilang mayor, governor, congressman, senador, o presidente...

    yan ay dahil sa PERKS na kasama sa pwesto...

    written (legal) and unwritten (illegal) PERKS

    for the next few years of being in power, they will NEVER have to spend their own money

    EVERY expense comes from the taxpayer

    does anybody actually think they pay for the fuel of their own vehicles?

    or food?

    or salaries of their personal employees (like drivers and household help)?

    yung pagpunta nila sa Las Vegas para manood ng laban si Pacquiao... do people really think galing sa sariling bulsa nila yan?

    the line between sariling bulsa and taxpayer money is too blurry

    in this country, the whole point of being a public servant is NOT to serve the public

    for many people, becoming a public servant is their only way to experience the good life

    to enjoy a life of leisure, to have people at their beck and call, to be chauffeured around in expensive cars (with escorts), to enjoy VIP status wherever they go, to travel abroad, live in fancy hotels, dine at fancy restaurants (all expenses paid)...

    that's why when election time nears, ang dami gusto tumakbo
    Last edited by uls; August 19th, 2009 at 01:36 PM.

  5. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    116
    #5
    wala na nga ginawa tong administrasyon ni gloria kundi magkalat, samantalang si Barack puro pakikiramay sa taong bayan ng Amerika, nun ngang nanumpa si Sotomayor bilang supreme court justice sa Amerika di sya umatend (Barack) at ni request nya na sa Supreme Court mismo gawin yung panunumpa di katulad ng mga dating presidente ng Amerika na sa White House ginawa ang seremonya, para raw hindi mabahiran ng pulitika ang paghirang sa isang justice. Ngayon paano siya makakakuha ng respeto sa taong bayan (Gloria) kung ganito ginagawa nya. Ay susmaryosep

  6. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,452
    #6
    apart from being corrupt and liar to the bone along with her husband, i really hate this president for creating a blue print for the future presidents to follow on how to get away with any act of corruption and stay in power

  7. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    43
    #7
    sapat na siguro kahit 4% lang ang tax na babayaran ntin kung wala ang mga katulad nila.

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #8
    May comment si Mikey "PAOS" Arroyo. Bigyan daw ng dignity ang Pres. at mga Congressman, kay doon sila kumain sa medyo upscale na restos.

    He-he! Eh pano si Barak at yung VP nya, walang didgnidad? Sa isang Burger joint lang kumain dati, and kani-kaniya pa silang bayad.

  9. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #9
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    May comment si Mikey "PAOS" Arroyo. Bigyan daw ng dignity ang Pres. at mga Congressman, kay doon sila kumain sa medyo upscale na restos.

    He-he! Eh pano si Barak at yung VP nya, walang didgnidad? Sa isang Burger joint lang kumain dati, and kani-kaniya pa silang bayad.
    PR stunt lang ni Buttcrack Obama un. Ginawa na din ni GMA yan dito, sa Mcdo. Kasama ung mga call center agents. If you guys can remember, dahil sa breakfast na yun kaya ung MRT inextend ung operating hours.

    Out of the country naman kasi pinaguusapan. Mabadtrip dapat ung mga tao kila Teddy Casino nakikisawsaw wala namang alam. Kung ano ano sinasabi, siguro inggit lang kasi kahit dito di sya makakain sa class restaurants sabay biglang announce na he's planning to run in a seat in the Senate

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,326
    #10
    uy ... Teddy Casino et. al.. mga "progressive" partylists...

    1. noong wala pa sila sa kongreso, kampanya nila na tanggalin ang pork barrel sa mga kongresista.. ngayon na nakaupo na sila.. quiet na.. san kaya nila ginagastos ang pork barrel nila? (logistics & supplies sa mga rally? pang sustento sa mga kasamahan na nasa bundok?)

    2. the more issues na sinasakyan nila.. the more reasons they have to rally.. the more sila kino cover ng media... at lalong nagiging maayos ang name recall sa grupo nila... kung malakas ang name recall, malakas ang tsansa manalo sa eleksyon...

    iba talaga ang demokrasya..

Page 1 of 5 12345 LastLast
May araw din kayo