I just saw this from PJI (Journal). Ewan ko kung totoo ito. Kayo na humusga. Puwede ito sa "Showbiz Chismis" muna, pero since si GMA (daw) ang involved, nag-start na lang ako ng bagong thread. Read on....


KABILANG umano sa laman ng kontrobersyal tape conversation ang umano'y illicit affair ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang mga umugong na tsismis kahapon mula sa mga ipinakalat na text messages sa mga cellular phone kung saan ay malisyosong isinasangkot ito sa pa-kikipagrelasyon sa isang Cabinet secretary at isang vice-governor mula sa Visayas region.

Ayon sa mga text message, kapag nagkataon ay makakaladlad umano sa labis na kahihiyan ang Pa-ngulong Arroyo dahil nai-record din sa naturang kombersasyon ang pa-kikipag-usap umano nito sa isang Cabinet secretary.

"Kapag lumabas na i-yong mother of all tapes conversation na sinasabi ni Atty. Sammy Ong, mabubuko kung sinu-sino ang kalandian ni Doņa Gloria Macapagal-Arroyo. Tiyak mabibilad ang katotoha-nan kung ano iyong sinasabi niyang plenty of *** life. Please Pass," sabi pa sa text message.

Mula nang lumantad noong Biyernes ng hapon si dating NBI deputy director Atty. Sammy Ong u-pang aminin na may kopya siya ng mga pinag-uusapang tape conversation, iba't ibang text messages na ang kumakalat ngayon.

Ang iba'y nananawagan na dumalo sa panawagang magtipun-tipon sa Liwasang Bonifacio para sa pagdiriwang ng National Day of Mourning o kaya'y magtungo sa San Carlos Seminary, ang iba nama'y sinisiraan si Ong na umano'y may tililing sa ulo o may diperensiya sa pag-iisip.


******************************************


Sino kaya yung "masuwerteng" Cabinet Secretary at Visayan Vice Gov.? Ano kaya yung nasa tape, SOP? He-he-he!