Kahapon ko lang nalaman ito nuong sunduin ako sa NAIA.
Na carnap yung Field Master ko nuong Oct 23 sa Ortigas The exact location ay duon sa open parking ng mega mall na katapat ng St Francis Square, kumain lang daw anak ko sa Rice Bowl ng bandang 11pm. pagbalik nya wala na yung Pajero. :evil:

Nang mag report sila sa Crame, pang apat daw yun amin sa nacarnap na Pajero that week only. grabe di ba? :twisted:

buti na lang naka conprehensive, ang problema lang ay three weeks pa daw bago mag release ng unrecover report ang crame. ito yata ang hinihintay ng insurance bago palitan yung unit.

meron ba sa inyo ang naka experienced na nacarnapan tapos napalitan ng bagong unit yung sasakyan nyo na nawala. paano ang naging proseso ng mga papers? tatlong buwan nga ba ang dapat hintayin?

March 2002 lang nabili yung nacarnap at fully paid sya.