Results 1 to 10 of 33
-
May 26th, 2003 01:09 PM #1
Na accident delivery truck namin kaninang 3am. bale the truck is cruising along macarthur highway papuntang manila, bigla nalang daw pumasok sa lane from shoulder isang lancer, ayun sapol! total wreck yung lancer, sa truck namin wasak bumper, isang headlamp, signal lamp, fender. di ko nakita yung lancer pero sabi ng police, di mo daw iisipin na buhay at walang galos yung driver at 1 passenger.
sabi ng police ang may kasalanan daw is yung lancer dahil nasa right of way daw kami. pero bukas pa daw darating owner nung lancer. sabi ng police baka daw humingi ng tulong yung owner ng lancer. parang gusto atang palabasin na kami me kasalanan para insurance namin ang gagastos sa damage nila. TPL lang kasi insurance nila, comprehensive sa amin.
ang sabi ko ayoko. baka sa pagpapakabait ko, in the end, kami pa baligtarin at kung anu-ano pa ang hingiin sa amin. tama ba ang desisyon ko? bukas nga ayaw kong maki-meet dun sa owner ng lancer, driver lang ang papapuntahin ko. malambot kasi puso ko baka mapa-oo ako sa gusto nila.Signature
-
May 26th, 2003 01:29 PM #2
pasalamat nalang dahil walang namatay dun sa sakay ng lancer.
tama ang desesyon mo. hindi mo sigurado kung ano pa ang nasa utak ng may ari. may mga tao nakapag binigay mo kamay mo eh pati braso mo gustong kunin. kung namatayan sya, pwede siguro tulungan ng kunting cash. pero yung lancer hamo ng hindi tumakbo uli yung para hindi na mandamay ng iba pa.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jan 2003
- Posts
- 2,979
May 26th, 2003 01:35 PM #3siguro wait for the police report na lang.... di natin alam tunay na nangyari... maybe may kasalanan yun driver ng kotse dahil singgit ng singgit pero mabilis din siguro takbo ng truck dahil di naman ma-tototal wreck yun kung mabagal ang takbo... mac arthur highway yan... marami talaga sasakyan dyan na labas masok ng kalsada kaya hinay-hinay dapat takbo dyan...medyo pag tinignan kasi yun sketch nyan... talo ka kasi truck mo bumangga.. nangyari na sa min yan....mas mahirap kasi pag tumakbo sa media...
-
May 26th, 2003 01:38 PM #4
Hayaan mo na lang gawin yung police report. 2 drivers magbibigay ng sariling panig at babasihan kung pano at ano talaga ang nangyari. Magkanya-kanya na lang kayo ng gastos, total naka-comprehensive insurance ka naman. Participation fee na lang alalahanin mo. On the other side, sila na rin ang magpagawa nung sasakyan nila.
Yung "Beast" nakatumbok din kahapon infront of delos reyes medical center. May biglang tumawid na bata papunta ng squatters area. 1st car suddenly stopped 2nd Tamaraw almost hit as I was beginning to brake from momentum to shift into 3rd gear, ayun nasapol ko 3rd vehicle which was an Explorer Sport-Trac. :cry: Amicable settlement na lang ginawa namin para di hassle sa both parties. In the end, mabait yung owner ng Explorer kanya-kanya na lang daw ng gastos. :oops: Accidents are not meant to happen, kahit na gano pa kaingat ang driver. I was lazy driving 40km/h about to shift into 3rd gear, about a car length ang layo ko sa harap na sasakyan. Hirap pala pigilin ang momentum ng sasakyan lalo na malaki pa ang dala ko.
-
Tsikot Member Rank 5
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,144
May 26th, 2003 01:39 PM #5Pasamahan mo ng insurance adjuster yong driver. May karapatan ka pa ring mag claim sa damage ng truck nyo.
Advice lang: Just like what Caltex/Petron/Shell is doing, wala silang truck, as in puro contractor lang. So, pag may aksidente, ang nakademanda yong contractor. Alam mo kasi, may mga abogadong marunong umamoy ng pera, kaya, kung maari lang, tayo ka kunyari trucking firm, iba owner doon sa company ninyo, tapos, on paper palabasin nyo ng naka contrata lang.
-
May 26th, 2003 01:42 PM #6
pulis na rin naman ang may sabi, mali yung lancer. tama nga desisyon mo. kahit pa na-total yung sasakyan nya, e kasalanan naman nya.
ako nga dati, may nabangga akong trak. e kasalanan ko. wala namang nasira sa kanya, pinabayaan ko na lang. di naman nya kasalanan e, bakit mo pa peperwisyuhin?
-
May 26th, 2003 01:43 PM #7
tama desisyon mo.
kasalanan nya kung bakit sya nabangga! buti sana kung di kayo naperwisyo.
tama yan, para magkaroon sya ng sense of responsibility para next time magiingat na sya...
pag kasalanan nya, magdusa sya...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 82
May 26th, 2003 01:56 PM #8Yes i think you should stick to your decision.
Depending on the Police report, pag may kasalanan ung lancer di naman i-cover ng insurance mo yan, not unless ung truck may kasalanan.
Pa cover mo sa insurance ng Lancer ung repairs sa iyo kung lumabas na siya ang may kasalanan. Wala naman siya gastos dun
Bahala na siya pa-repair ng damages niya!!
-
May 26th, 2003 01:57 PM #9
Ingat ka sa ganyan. Si Yoli naka-sagi ng lokbu na kotse nung dala niya yung Prado. Walang nasira sa Prado pero lubog ata quarter panel nung isa.
Binayaran naman ni Yoli. Pero pucha, ayaw nang tumigil sa paghingi ng pera. Bad trip. Pinagtaguan na lang niya. hehehehe. :mrgreen:
Wag mo yan babayaran...
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
The Ten Commandments has been a traditional part of the Holy Week programming on local channels,...
Traffic!