September 08, 2009 06:28 PM Tuesday
[SIZE="4"]Conversion ng LPG sa jeep, pinamamadali
[/SIZE]By: Jun Icban-Legaspi
MULING umapela ang isang transport group kay Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza na atasan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bilisan ang proseso ng re-powering program ng conversion ng 100% Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa mga pampasaherong jeep.
Ang panawagan ay ginawa ng grupo ng Makati Jeepney Operators Driver’s Association (MJODA) matapos makumpleto ng mga ito ang lahat ng requirements na hinihingi ng DoTC at LTFRB.
Sinabi ni Jun Cerio, pangulo ng MJODA, na naibigay na nila lahat ang mga kaukulang mga dokumento na kailangan ng DoTC at LTFRB para sa programa sa ilalim ng Land Transportation Modernization Program ni Sec. Mendoza at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay Cerio wala nang dahilan ang LTFRB sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Alberto Suansing upang ma-delay pa ang program dahil binigyan na ito ng clerance at ng kaukulang pondo ng Pangulong Arroyo nitong nakalipas na buwan lamang.
Ang programa ay nakapasa na rin sa lahat ng kaukulang requirements ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng Clean Air Act gaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Energy (DoE), Land Transportation Office (LTO), Department of Trade and Industry (DTI), TESDA at maging sa LTFRB mismo.
Ayon sa mga opisyales at miyembro ng MJODA halos dalawang taon at kalahati silang nagtiyagang antayin ang programang ito kung kaya’t walang dahilan para maghintay pa muli sila ng matagal dahil kumpleto na sila ng lahat ng requirements test sa inter-agencies na kaalam sa programa.
Ayon sa MJODA may libu-libong pamilya ang naghihintay sa programa upang kanilang mapakinabangan.