New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 18 of 18
  1. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    15
    #1
    Mga brothers, patulong naman. Lagi kasi nababasa yung flooring sa passenger side sa likod. yung area lang na iyon yung nababasa. Hindi naman umuulan at wala naman sumasakay sa likod. Bale my car is a nissan sentra 2003 gx automatic. Mga 3 weeks ago, napansin ko na basa yung flooring. Tipong soaking wet talaga. Ginawa ko, pinatuyo ko siya. Binuksan ko yung pinto at tinapatan ng electric fan for one whole day. eventually natuyo naman. ngayon, basa uli. pero hindi naman umulan at walang sumakay sa likod.

    tulungan niyo naman ako, medyo clueless kasi ako eh. thanks!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #2
    check mo rin yun harap passenger side, tingin ko galing sa A/C drain...napupunta lang sa likod since umaagos siguro...

  3. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #3
    Ginamit mo ba ang Kotse? check mo yung drain plug sa ilalim ng carpet baka naka daan ka sa basa tumalsik sa loob.

  4. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    15
    #4
    yup, ginagamit ko naman yung kotse almost everyday. pero wala akong naaalala na dinaan ko siya sa basa. pag nasa office ako, covered naman yung parking. pag nasa bahay ako, covered naman yung garahe.

    yung passenger side sa harap hindi naman basa. umaabot ba yung aircon drain sa likod? titingnan ko mamaya kung yung plug naalis sa likod.

  5. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    15
    #5
    hmmm...kaka check ko lang kanina....tuyo na uli. ano ba yan...ang weird! hehehe. ano kaya yung problema. di ko masilip yung ilalim kasi gabi nako nakakarating ng bahay eh.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,719
    #6
    gumamit ka flashlight

  7. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    15
    #7
    guys nakita ko na yung ilalim. wala namang tama at rust yung ilalim ko. pero may nakitang akong parang butas na pwedeng pasukan ng tubig. parang pwede nga siya lagyan ng plug. pero nung tiningnan ko yung kabilang side, nandun din yung butas na yun at walang plug din. pero yung kabilang side hindi naman nababasa! haaay!!!

  8. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    2
    #8
    Bago lang po ako dito sa forum. hingi lang po ako ng tulong sa inyo regarding leak kapag umuulan. basa po yung flooring ko sa unahan, both passenger at driver side. cinilip namin minsan ung ilalim ng dashboard,binuhusan namin ng maraming tubig ung windshield, marami pong pinanggagalingan yung leak . model po ng car ko: 2nd hand mazda familia 96 model manual. ano po kayang sira nito?appreciate all your reply.tnx in advance!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #9
    maraming pinangagalingan? san nyo nakita? nung binuhusan nyo ba ng tubig ang windshield, may leak na?

    ang pwede lang pangalingan nyan is windshield and yung sa doors. other than that, di naman siguro butas yung sahig mo no?

  10. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    2
    #10
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    maraming pinangagalingan? san nyo nakita? nung binuhusan nyo ba ng tubig ang windshield, may leak na?

    ang pwede lang pangalingan nyan is windshield and yung sa doors. other than that, di naman siguro butas yung sahig mo no?
    thanks 1D4LV,before kc, nabasa na mating sa unahan. nakapark lang to overnight at ulan buong gabi. so, I assume hindi sa butas sa sahig galing. then one time, nung binuhusan ng tubig ung windshield, nakasilip sa may ilalim ng dashboard ung kapatid ko( sa may steering wheel), dun nia nakita may mga leak.

  11. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    2
    #11
    Regarding po sa basang flooring, nababad dn po flooring ko mula likod gang harap. Found out na nung pinalitan ung bumbilya sa tail light, hindi na ikabit ng maayos, walang nut ung upper portion. Naayos na po ung leak sa tail light.

    Try ko padry sa car wash pero insist nila padetail ko kasi di daw po madrdry yun at mabubulok and kakalawangin flooring dahil di rn nila kaya mapatuyo ng hindi babaklasin carpet. Totoo po ba yun?

    Bka po me cheap effective way na mapatuyo un, so far, am trying to suck dry using chamois pero prang walang katapusan. Hoping na lng dn me na umaraw na sana ulet and tutukan ko na lng ng electric fan.

  12. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    5,167
    #12
    Quote Originally Posted by drahcir36 View Post
    thanks 1D4LV,before kc, nabasa na mating sa unahan. nakapark lang to overnight at ulan buong gabi. so, I assume hindi sa butas sa sahig galing. then one time, nung binuhusan ng tubig ung windshield, nakasilip sa may ilalim ng dashboard ung kapatid ko( sa may steering wheel), dun nia nakita may mga leak.

    drahcir,
    have you checked the door weatherstrips for cuts, tears or rips? if they are intact, there are two possible points of water intrusion with a parked car. one is if the cowl (the narrow sheet of metal below the windshield and directly behind the engine hood or bonnet. this might be rusted through. the easiest way to correct this is to remove the cowl grill and apply coal tar or brushed on truck bed liner on the suspected area. do a wider patch than the hole as the cancer probably spread already. the other source of leak is from the butyl tape(black adhesive used to fasten and seal the windshield against the body of the car) that has detached from the body of the car or the windshield from believe it or not, improper use of garage jack at the auto shop by the "well trained" mechanics or parts replacers jacking one corner of the car. there is a difference between the service jack (the jack that came with the car for changing tires) from the garage jack that raises the car to a point that the car body distorts beyond the designed tolerance by twisting the car's body too much that usually causes this butyl tape to detach and create a new leak. thanks to those "well trained" mechanics or parts replacers.
    jick
    certified auto
    guam

  13. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    2
    #13
    jick.cajeco, ganon din sir problem ng toyota gl ko pero sa driver side lang, di ko pinansin noon kasi nung nilinis ko yung daanan ng tubig mula sa grill pababa biglang pumasok ang tag-init kaya, ngayon na lang uli kasi umuulan na. dun sa mga possible cause na binanggit nyo, ano po kaya maganda at madaling solusyon? salamat po.

  14. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    5,167
    #14
    Quote Originally Posted by phoenix_emjay View Post
    jick.cajeco, ganon din sir problem ng toyota gl ko pero sa driver side lang, di ko pinansin noon kasi nung nilinis ko yung daanan ng tubig mula sa grill pababa biglang pumasok ang tag-init kaya, ngayon na lang uli kasi umuulan na. dun sa mga possible cause na binanggit nyo, ano po kaya maganda at madaling solusyon? salamat po.


    the fastest and least expensive procedure that you can do yourself is to open the cowl grill to expose the panel below the windshield that serves as the gutter and apply aluminum tape (readily available at ace hardware) being mindful that you apply the tape starting from the lowest point upward just like installing nipa roofing. or if you can avail yourself of aircraft speed tape, it works just as well if not better

  15. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    174
    #15
    Quote Originally Posted by phoenix_emjay View Post
    jick.cajeco, ganon din sir problem ng toyota gl ko pero sa driver side lang, di ko pinansin noon kasi nung nilinis ko yung daanan ng tubig mula sa grill pababa biglang pumasok ang tag-init kaya, ngayon na lang uli kasi umuulan na. dun sa mga possible cause na binanggit nyo, ano po kaya maganda at madaling solusyon? salamat po.
    vulcaseal and flashband pero kung hindi na kayanin your last option is latero.

  16. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    2
    #16
    jick.cajeco, sir ok na po, ginawa ko yung sinabi nyo na baklasin yung cowl at nakita ko yung gutter na umalsa na yung epoxy na inilagay noon at nag-istock yung tubig di nakakaagos lahat kaya may napasok sa loob, tinanggal ko na yung epoxy na sing tigas ng semento at ng umuulan kinabukasan wala na ko basa na nahipo sa carpet. baka pinturahan ko na lang ng pang rust proofing para di kumalat yung kalawang. maraming salamat sir at sa mga nagpost... ang laking tulong ng thread dito ...

  17. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    39
    #17
    mga bossing yung tsikot ko sa may likod ng passenger side may may tubig saan kaya nanggagaling yun

    salamat ng marami sa reply

  18. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    10
    #18
    same din sa akin sa likod rin ng passenger side may basa sa flooring din ang naalala ko lang eh nung binuhusan ko ng tubig ung windshield dun yata un pumasok sa loob ng cowl grill yata correct me if I am wrong, di ko alam kung dun nga pero check ko later...

Wet flooring at the passenger side