New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 18
  1. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    15
    #1
    Mga brothers, patulong naman. Lagi kasi nababasa yung flooring sa passenger side sa likod. yung area lang na iyon yung nababasa. Hindi naman umuulan at wala naman sumasakay sa likod. Bale my car is a nissan sentra 2003 gx automatic. Mga 3 weeks ago, napansin ko na basa yung flooring. Tipong soaking wet talaga. Ginawa ko, pinatuyo ko siya. Binuksan ko yung pinto at tinapatan ng electric fan for one whole day. eventually natuyo naman. ngayon, basa uli. pero hindi naman umulan at walang sumakay sa likod.

    tulungan niyo naman ako, medyo clueless kasi ako eh. thanks!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #2
    check mo rin yun harap passenger side, tingin ko galing sa A/C drain...napupunta lang sa likod since umaagos siguro...

  3. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #3
    Ginamit mo ba ang Kotse? check mo yung drain plug sa ilalim ng carpet baka naka daan ka sa basa tumalsik sa loob.

  4. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    15
    #4
    yup, ginagamit ko naman yung kotse almost everyday. pero wala akong naaalala na dinaan ko siya sa basa. pag nasa office ako, covered naman yung parking. pag nasa bahay ako, covered naman yung garahe.

    yung passenger side sa harap hindi naman basa. umaabot ba yung aircon drain sa likod? titingnan ko mamaya kung yung plug naalis sa likod.

  5. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    15
    #5
    hmmm...kaka check ko lang kanina....tuyo na uli. ano ba yan...ang weird! hehehe. ano kaya yung problema. di ko masilip yung ilalim kasi gabi nako nakakarating ng bahay eh.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #6
    gumamit ka flashlight

  7. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    15
    #7
    guys nakita ko na yung ilalim. wala namang tama at rust yung ilalim ko. pero may nakitang akong parang butas na pwedeng pasukan ng tubig. parang pwede nga siya lagyan ng plug. pero nung tiningnan ko yung kabilang side, nandun din yung butas na yun at walang plug din. pero yung kabilang side hindi naman nababasa! haaay!!!

  8. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    2
    #8
    Bago lang po ako dito sa forum. hingi lang po ako ng tulong sa inyo regarding leak kapag umuulan. basa po yung flooring ko sa unahan, both passenger at driver side. cinilip namin minsan ung ilalim ng dashboard,binuhusan namin ng maraming tubig ung windshield, marami pong pinanggagalingan yung leak . model po ng car ko: 2nd hand mazda familia 96 model manual. ano po kayang sira nito?appreciate all your reply.tnx in advance!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #9
    maraming pinangagalingan? san nyo nakita? nung binuhusan nyo ba ng tubig ang windshield, may leak na?

    ang pwede lang pangalingan nyan is windshield and yung sa doors. other than that, di naman siguro butas yung sahig mo no?

  10. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    2
    #10
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    maraming pinangagalingan? san nyo nakita? nung binuhusan nyo ba ng tubig ang windshield, may leak na?

    ang pwede lang pangalingan nyan is windshield and yung sa doors. other than that, di naman siguro butas yung sahig mo no?
    thanks 1D4LV,before kc, nabasa na mating sa unahan. nakapark lang to overnight at ulan buong gabi. so, I assume hindi sa butas sa sahig galing. then one time, nung binuhusan ng tubig ung windshield, nakasilip sa may ilalim ng dashboard ung kapatid ko( sa may steering wheel), dun nia nakita may mga leak.

Page 1 of 2 12 LastLast
Wet flooring at the passenger side