what could be the problem pag may ugong yung car pagdating ng 60kph? kanina ko lang kasi napansin while going for a long drive. basta pagdating nya ng 60kph ay may kakaibang ugong kang madidinig. you can feel it kahit sa accelerator pedal. para bang tunog pag nag-engine brake pero consistent. pag below 60kph ay nawawala naman yung ugong. although smoooth naman yung andar ng engine at wala naman vibration sa body. naitakbo ko siya kanina for 200kms. at 1st, kala ko yung gulong but pinakinggan ko mabuti at hindi naman yun..
sorry but ang alam ko lang kasi ay mag-drive at no knowledge ako pagdating sa troubleshooting. so please, i need your advice...
it's a '01 Revo 2.0L Gas A/T
mileage - 64,000 + (last PMS was at 50k)
tires- bridgestone (about 6 months old)
Nangyari na sa akin yan a long time ago. At first I really thought it was the wheel bearing. Pag check ko okay naman sya, since naka tanggal na i had it repacked. Pag gamit ko ng car nandun pa rin yung noise. Then pina check ko balancing ng wheels. Ayun! Natanggal yung ugong.
Baka din nagsisimula magkabukol yung tire mo. Nalubak ka ba? Try mo rin muna pa check balancing. Mura lang yun, mga 30-40 pesos lang yata per tire. Front tires lang naman kailangan mo pa check.
akala ko ako lang may problem sa ugong may iba rin pala dito same here pag 60 kph pataas umuugong somewhere sa ilalim at yun tunog nya ay sumasabay sa bilis at apak ko lumalakas pag mabilis. it is like a deep throaty, low freq, resonating sound coming from underneath and it is irritating hindi kaya sa muffler yun?
the tires are Bridgestone, got it balanced and aligned nung pinalitan ko 6 months ago.
yes, nababad siya sa baha overnight when i got stranded pero it was 2 months ago na. and parati ko siya ginagamit for long drives at least once a week pero ngayon lang siya nagka-ugong.
talaga bang ganun pag bearing ang sira, may certain speed lang na mag-uumpisa umugong? pag kasi lumampas ng 90kph ay humihina yung ugong? or guni-guni ko lang yun...hehehe :confused:
san ba pwede patingnan yung bearing? kailangan na ba palitan yun? nabasa ko sa iba na nire-repack daw yun? how is this done and where?
Baka nga may pumasok na dumi sa bearings mo nung nabaha ka. Nalubog ba more than half yung tires? I not sure with Revo kung pwede i-repack yung bearing. Kasi kung sealed type yan tulad ng civic kailangan na replace. Pero kung tulad yan nung lumang mga kotse na hindi sealed type, nililinis lang yun then lalagyan ng fresh grease.
Yung paghina ng ugong at 90, baka lang hindi mo nadidinig dahil mas malakas na yung engine/road noise?
Pero diba pag unbalanced yung tires mo same thing happens... May vibration at certain speeds tapos sa ibang speed wala..
yes, lubog yung tires. yung baha ay hanggang sa dun sa ilalim ng flooring. kung sealed yun, di hindi dapat pinapasok ng tubig baha or dumi yun.
kung hindi sealed, pwede ipa-repack..tama ba yun? where can this be done and how much?
kung sealed naman, then i need to replace the bearings..how much kaya yun para sa revo.. pati na labor?
Before having the bearing replace, have it injected with fresh grease. if d pa din nawala then go with the option of having it replaced. But i do suggest is have it checked muna sa mechanic just to make sure it is your bearing and make sure you know which tire yun may 2mu2nog...
Nangyari na rin sa akin yan nung 3 months pa lang kotse ko hindi ito nalubog sa baha pero umuugong pag abot sa 70 kph, wheel bearing nga ang diperensya swerte ko naka warranty pa wala akong binyaran.
had my ride checked kanina and yes.... it was the front wheel bearing. may tama na yung isa (left outer bearing) but buo pa yung tatlo. my mechanic suggested na kesa irepack ay palitan na lahat (4 pcs). baka daw kasi after a month or two ay masira na din yung iba, madodoble pa ang abala at bayad sa labor. same di naman yung labor kung repack or replace. di ko naman sa mechanic bibilhin yung parts so he had no ulterior motive na mas malaki ang kita niya pag pinalitan lahat kaya pinag-isipan ko din yung sinabi nya.
1st option: replace 1 bearing and repack yung 3 pa - 170 parts + 35 grease+ 300 labor = 505
2nd option: replace all 4 bearings- 760 parts + 35 grease + 300 labor = 1,095
i chose the 2nd option... now, everything's fine at wala na yung ugong. at di ako nag-aalala na anytime ay baka yung iba naman ang sumunod na masira.
Originally posted by boydapa akala ko ako lang may problem sa ugong may iba rin pala dito same here pag 60 kph pataas umuugong somewhere sa ilalim at yun tunog nya ay sumasabay sa bilis at apak ko lumalakas pag mabilis. it is like a deep throaty, low freq, resonating sound coming from underneath and it is irritating hindi kaya sa muffler yun?
pare,
pareho tayo ng problem except yung throaty sound na naririnig ko is coming from the rear and underneath AND pag below 20kph lang
di ko rin alam eh. duda ko yun muffler ko pero possible din yan bearing. kailangan talaga mapacheck kaso wala talaga ako time at mukhang magastos kung sakali. since ma acquire ko oto ko wala akong mainetenance dyan sa part/aspect na yan---bearing repack repair so malamang yun na yun. sinasabi ko nlng sa sumasakay sa oto ko nako tune oto ko eh para bang racecar vroom vroommmmmmmmmmmm....ugong hehe