had my ride checked kanina and yes.... it was the front wheel bearing. may tama na yung isa (left outer bearing) but buo pa yung tatlo. my mechanic suggested na kesa irepack ay palitan na lahat (4 pcs). baka daw kasi after a month or two ay masira na din yung iba, madodoble pa ang abala at bayad sa labor. same di naman yung labor kung repack or replace. di ko naman sa mechanic bibilhin yung parts so he had no ulterior motive na mas malaki ang kita niya pag pinalitan lahat kaya pinag-isipan ko din yung sinabi nya.
1st option: replace 1 bearing and repack yung 3 pa - 170 parts + 35 grease+ 300 labor = 505
2nd option: replace all 4 bearings- 760 parts + 35 grease + 300 labor = 1,095
i chose the 2nd option... now, everything's fine at wala na yung ugong. at di ako nag-aalala na anytime ay baka yung iba naman ang sumunod na masira.