Madali lang magtanggal nyan!
1. Tuklapin mo yung tint.
2. Yung mga maiiwan na adhesive, gamitan mo ng sabon (e.g joy) tapos lahay mo sa foam.
3. Apply mo yung bubble soap sa adhesive and wait for 5 minutes tapos kayurin mo ng blade. Ingat lang at baka masugatan ka at ingat din para di magasgas yung salamin.

Ayos na tyagaan lang talaga sayang din yung P200, pang gas din yun.

Tested ko na yun! Imagine ginawa ko yun sa L300 VV namin bago ko papalitan ng tint yun. P500 ba naman ang hinihingi sa akin ng mag titint para lang mag tanggal nun. :shock: Kaya ako nalang ang nag tanggal na excercise pa ako. :lol:

Kung may defogger ka, pwedeng yun nalang ang ipatanggal mo sa mag titint para mas maliit lang ang singilin sa iyo tsaka para di masira yung defogger. :wink: