Para sa dumi yan, especially pag nasa lugar na mabuhangin. Sisingit yung buhangin sa wiper at pag ginamit mo then gasgas ang windshield mo. You may not see the consequence immediately but definitely it builds up until it becomes very noticeable. Minsan mabibigla ka na lang kasi umuulan at makita mo may guhit na ng water sa windshield kahit bago pa ang wiper blades mo.
As for the spring getting stretched, kalokohan yan. Para namang hindi nagaral ng engineering yung nag design ng wiper ano? Lahat ng springs may elastic limit. Ang bobo naman nung design engineer kung nagdesign siya ng wiper na ma-exeed yung elastic limit nung spring kung iangat mo lang yung arm. I am sure the spring will not even come close to its elastic limit when the wiper arm is raised. At alam na alam naman na iaangat mo ang arm pag naglilinis ng kotse o kung magpapalit ng wiper blade. More than 100 years na gumagawa ng kotse alam na nila yan.