bigay lang ito sa akin ng kakilala ko na may shop sa del monte ave. napundi kasi yung low beam ng stock bulb (passenger side) ko kaya nagpunta ako doon. sabi niya, ito daw yung pinakamalakas na Osram na hindi fake. yung tao na rin niya nagkabit. and parehong low beam lang yung napundi, so malamang hindi nila nahawakan yung glass part.
paano ba malalaman kung fake ang Osram or not?
and bakit laging low beam ang napupundi? may problem kaya sa electrical ko? paano din po i check?