New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 401

Threaded View

  1. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    12
    #19
    Quote Originally Posted by sideskirt View Post
    mga tsong share ko lang. napatakbo namin kanina ang corolla gli ko. lubog din sa baha hangang ilalim ng steering wheel.

    ENGINE WASH, hinugasan engine wala ng tinakpan since nababad naman sa tubig na madumi lahat

    ECU, nilinis ng tubig, tapos ginamitan namin ng hot air para ma resolder lang ulit ang mga components. (advise ko wag nyo gayahin ang hot air kung di marunong) patuyuin nyo na lang tapos contact cleaner.

    DISTRIBUTOR, nilinis namin lahat ng contacts

    FLUIDS, drain lahat palit ng bago. (wag manghinayang mapapamahal ang gastos pag pinilit)

    ELECTRICAL WIRINGS & HARNESS, pinatuyo lahat, ginamitan ko ng hair blower para mabilis matuyo.

    INTERIOR DETAILING, kami lang gumawa. matrabaho pero ok na rin to kesa singilin ka ng taga ng shop ngayun. shampoo at tubig lang yan.

    SPARK PLUGS, niliha ng konti ang contact points.

    PATUYUIN NYO LAHAT WAG MAG MADALI, DADAMI LANG ANG SIRA PAG NAGMADALI...

    Nung tuyo na lahat inassemble namin ulit lahat, pero di muna kinabit ang spark plugs, pinasuka namin ang engine para mawala ang tubig pati para macheck kung nag iinject ng gas at hangin. Nung Naconfirm namin na meron at buo ang computer box. tinry namin mag start. may redondo pero ayaw masunog ng gas, eto ang ginawa namin ulit.

    Kinabit namin ang spark plugs, pero yung supply ng gas eh isa lang muna ang kinabit. Inistart ko, redondo ulit na parang mag start kinabit sunod sunod yung supply ng gas and kaboom dumerecho ang starting.

    We found out na nalulunod sa gas ang spark plugs ko kaya ayaw mag fire up ng gas. kaya ginamit namin yung apat na spark plugs pero isang supply ng gas muna. nung nasunog nya ang gas sa engine nag derederecho na.

    Check up kami after mag start (make sure hindi naka ilaw ang check engine sa dash pag may ilaw malamang may problema sa ecu), naging problema lang ay auxilliary fan ng radiator ayaw umikot kaya muntik mag overheat. Stock up lang. kinalas namin ginamitan ng wd-40 binabad ng kaunti. nung umiikot ng maayos ang bearings kinabit ulit. Tumakbo ang fan kapag naka bypass, nakita pa namin isang problema ang relay ng auxilliary fan ko eh shorted na ayaw mag automatic. nilinis ng contact cleaner replace ng bagong relay.

    Check ang clutch kung kumakagat, ok naman buti di nagdikit. Brakes kumagat din, power steering, lights, wiper etc... ok naman lahat.

    Beleive me first car ko po ito at kakabili ko lang nung sept 20. minalas agad...

    Advice ko sa mga try ito magpatulong sa kakilala na may alam sa kotse para hindi lumala ang sira. Wag kayo maniniwala sa mga mekaniko na overhaul agad ang gustong gawin kasi hindi lahat ng cases ay overhaul ang solusyon.

    Goodluck sa inyong mga tsikoteers, sana mag start na din ang mga kotse nyo...

    BTW, computer box can be repaired. resistors, capacitors, diodes, transistors lang ya, wag lang masisira yung IC yun ang mahirap palitan.
    --------------------
    Hello po. Baka pwedeng makuha ang number ng mekaniko mo; at least alam ko na magaling at nakapagpatakbo na ng submerged car ang mekaniko mo. Ang haba kasi ng pila sa casa at sobrang mahal pa, di kaya ng budget. I'd rather wait and ipila sa magaling na mekaniko. Chevy Optra sedan ang kotse ko. thanks so much, i need all the help i can get 09xxxxxxxx
    Last edited by ghosthunter; October 12th, 2009 at 09:01 AM.

Tags for this Thread

NEED ADVISE: Vehicle/Engine submerged in flood water [MERGED]