Bro, pahabol lang, na-amaze lang ako kasi ganyan na ganyan din ang nangyari ( halos eksakto ang naging situation natin ) nung binili ko yung 2nd hand na kotse ko, 97 lancer El din, 180k din..pareho pa tayo ng modelong nakuha..nakuha ko yung kotse sa ahente dito sa may imus cavite kaya ingat kayo kapag kumukuha ng 2nd hand lalo na dito sa cavite dahil madami talagang manloloko..( nagpost na din ako dito last time ang title ng thread is " tampered kaya odometer ko ? " )
Yung mileage nung makuha ko yung car is 77K ( your's is 71k, lamang ka lang ng konti) Kala ko ok na ok tapus naisip ko pa na naka-jackpot ako sa nakuha kong kotse..parehas tayong na-love at first sight sa looks ng pizza type lancer..hehe..
Pero after 2 months ng ginagamit namin yung car, naging 188K bigla yung mileage nya..anak ng kamote e halos bihara lang namin gamitin yung kotse bat naging ganun bigla mileage
..ayun at nagduda ako na TINAMPERED na nga yung odometer nito ( digital din )
Humingi nga ako agad ng advice sa mga kasamahan natin dito sa tsikot kasi worried talaga ako..baka kasi madaming bumigay sa mga piyesa lalo na kung ganon na kataas yung mileage ( and besides di ko alam yung history ng car, buti ka nga at may logbook pa na nakita and nakausap mo pa yung may-ari, sa case ko wala na yung dating may-ari nag-abroad na daw..malas talaga )....thanks nga pla sa mga nag-advice nuon..
Ang unang ginawa ko ay nagpapalit agad ako ng timing belt ( Pinakadelikado sa lahat and iniadvice din ng mga peeps dito sa tsikot na palitan agad ) para makasigurado..tapus sunod ay nagpatune up ako and nagpatimpla ng carburator..Yung ibang palitin ay ini-unti-unti ko na..disc pads etc..pati aircon nagpalinis na din ako..medyo magastos pero at least palagay na loob ko na kahit papano ay maayos na yung sasakyan..
So far ay ok naman yung sasakyan..pero lessons learned..dapat kung kukuha ng 2nd hand na kotse, dapat ay i-check talagang mabuti para walang hassle ( Documents and conditon...o kaya sa kakilala na lang kumuha para siguradong may habol pa )..sad to say lang na talagang madaming manloloko dito sa atin![]()
gagawin ang lahat makabenta lang...tsk..tsk..





..( nagpost na din ako dito last time ang title ng thread is " tampered kaya odometer ko ? " )
) Kala ko ok na ok tapus naisip ko pa na naka-jackpot ako sa nakuha kong kotse..parehas tayong na-love at first sight sa looks ng pizza type lancer..hehe..
..anak ng kamote e halos bihara lang namin gamitin yung kotse bat naging ganun bigla mileage
Reply With Quote