Quote Originally Posted by tridagger
Hi peeps,

Just want to share my sad experience and hopefully maiwasan ng iba. had my aircon repaired before new year and when the repair shop said that my compressor had to be replaced, I opted to get a surplus one. Abot kasi ng 19k kapag brandnew. pero ngayon sira na naman aircon so I decided to finally end this so I will be going back to GENAIRE this weekend to have a new compressor installed. Grabe talaga ang panghihinayang ko, umabot na sa 13k gastos ko last time so dahil sa pagtitipid ko lalo pa ngayon lumaki ang gastos at abala na naman.

Hay! Sakit talaga sa bulsa!

pre...swerte mo nga eh ikaw isang beses lang nangyari sa iyo yan eh.

ako sa katigasan ng ulo ko, katangahan ko and kastupiduhan ko dalawang beses nangyari sa akin yan, both dun sa dating singkit ko.

una auxillary fan. tumigil na sya dahil sa kalumaan. what i did is to save money, kumuha ako ng surplus tapos pina install ko. inabot din ng 1,500.00 lahat-lahat, pero after two months tumigil ulit...as in sira na... para matapos sakit ng ulo ko, pinapalitan ko ng bago sa carsavers sa makati. costs around 4,500.00, including installation.

pangalawang case, aircon compressor din. nasira dahil na rin sa kalumaan ulit. what i did is guess what?? to save money, bumili ulit ako ng surplus. inabot din ako ng 3k including installation, pero after 5 months. ayun...may singaw na. eh mahirap sa lahat eh walang aircon lalo na kung umuulan. so nagkabit na ako ng brand new (sanden) from cats las pinas before. inabot ako ng 14 thou.

lesson....

pag vital parts, mas sigurado kung bibili ng brandnew. much better kung oem. mas makakatipid ka in the long run.