okay, base sa pakikipagusap ko sa denso guy, kapag laminated, mas maliliit ang tubes. kapag serpentine, mas malalaki ang tubes. therefore, kapag mas maliliit ang tubes (as in laminated), mas maraming tubes per any given volume (vis-a-vis the serpentine type). so, parang sa radiator din yan. kung mas maraming tubes at mas maliliit ang tube, you increase the surface area na dinadaluyan ng hangin galing sa blower ng aircon, kaya mas madaling lumamig ang area na pinalalamig ng aircon. like i said, ang affected lang e ang RATE na paglamig. kasi eventually, makakahabol din ang serpentine-type kaya after an x number of minutes, magsing-lamig din ang aircon na naka-serpentine at naka-laminated.
(etong mga susunod na nakasulat e hula ko na talaga) i think laminated and serpentine refers to the method of production (o pag-manufacture) ng evaporator. yung serpentine kasi parang isang mahabang tubo na binalu-balulktot lang nila (na parang ahas - hence, serpentine). yung laminated e madaming malilit na tubes na inihain nila sa isang box (na parang mga bristles ng toothbrush) na ni-laminate lang nila sa dalawang magkabilang dulo ng evaporator.
btw, in my opinion, stay stock. kung ang stock ng kotse mo e serpentine (as in EK civic), stay serpentine. kung ang stock ng kotse mo e laminated (as in camry and most nissans), stay laminated. kasi may grooves ang "bahay" ng evaporator para sa evaporator. kapag binago ang evaporator, baka hindi na swak sa housing nito. baka magka-problema lang in the long run.





Reply With Quote