Ganyan yata talaga yang mga pizza pie na EL na yan. Kailangan medyo i warm up ng mga 5 mins bago paandarin pag matagal ng di nagamit, say overnight. Pa check mo rin ang timing belt kung nasa tamang pwesto. Minsan kse nawawala sa tamang marker nya, tawag nila "talon".
Para isang gastusin ka nalang, tutal 65k na ang odo mo, magpalit kana ng timing belt,t.bearing,camshaft and crankshaft oil seal. Iaadjust na nila rin ang valve tappets, iaayos na rin ang timing, magpalit kana ng air filter, fuel filter. Check na rin kung ok ang mga hi-tension wire, rotor at distributor. Baka after ng mga yan umayos na auto mo. I PM moko pag me iba ka pang concern regarding sa lancer mo kse 99 lancer ang isa kong auto kya medyo alam ko na mga ilang problema nyan.