
Originally Posted by
Lester asanza
Paopen po ulit ng topic. We have a 2017 honda city cvt bought last july 2016 it now has 70++k mileage as I travel the road often (south to north madalas - due to nature pf work). Now the issue - after namin magpagas on our way home biglang di na lang umandar ang sasakyan kahit anong shift namin yung indicator niya ang lumalabas (D/R/P) so parang nalilito siya kung ano iffollow niya ending di umandar. Nirestart ng father ko kotse at napaandar ng konti pero di na umabot sa bahay. Next day pinatow namin papuntang casa. 2 days andun kotse and they didn’t find any error sabi baka namalik mata daw tatay ko pero hindi kasi tatlo kami nasa loob ng kotse. So eto na, di pa kami due for cvt fluid pms kasi sabi nila every 40k daw. So dapat sa 80k pa kami magpapalit. Kinausap ng father ko ang honda (casa) to check yung cvt fluid dahil baka nabawasan or baka dapat na palitan so ginawa naman ng casa pero ang request ng father ko ipakita sknya aftr palitan yung cvt fluid dahil tingin niya ay kulang ng fluid lang. Btw, my father is also a mechanic pero di pa siya sanay sa cvt pag nasira.Ang ginawa ng casa pinalitan naman nila. Pero may nakuha kami na metal pieces as in literal na malalaking metal. Sabi ng casa wala naman dw yun kaya inuwi na pero iba pa din tingn ng father ko kaya nagpaisa pa siyang flush ng cvtf pero ganun pa din may mga metal pieces pa din lumabas. We researched at may nakausap kami na mechanic specializing in cvt transmission at nalaman namin na sa cvt belt ang problema. Sabi ni casa papalitan daw transmission. Anyone here na nakakaexperience neto with their new honda cvt? Been doing a lot of research at madami nagrreklamo sa US sa cvt belt failures. Since iilan lang naman sa pinas ang madami mileage for a new car i suspect iilan lang may ganitong issue satin sa pinas.
We asked the mechanic na specialty ang cvt transmission and it is not because of driving style. This is a product defect daw - malamang hindi dapat 40k ang palit ng transmission fluid kundi 20k lang. pero dba we are just following yung manual ni honda. Btw, casa maintained din po kami.
Nagpatawag din daw ng emergency training ang honda sta. Rosa plant sa supervisor na naghhandle ng kotse namin. We suspect na dahil eto sa nireport namin. Sana po hindi mangyari sa inyo tong issues pag tumagal na mileage ng car niyo.
Anyone po na may ganitong issue please update us.