i have an 88 galant, namatay makina tapos umusok yung banda kanan sa hood.. nasunog yung wire sa negative pole ng battery, tapos tinignan ng mekaniko yung starter, nasunog din kinailangan palitan. sabi defective daw yung wire papunta battery kasi may dugtong sa gitna nung wire. may nagsabi naman na baka daw yung duplicate na susi di daw lapat. may nagsabi din na mataas yung battery at dahil walang rubber guard sa poles, naground ito sa hood (ito yung unang hinala). ngayon ok na dahil napalitan starter, tapos nilagyan na din ng cover yung battery. di pa din ako sigurado kung ano talaga naging cause. may idea ba kayo kung ano talaga ang maaaring main cause nito? at kung pano iwasan? salamat po in advance