Good pm mga bossing,

Naka schedule na kami for 1st PMS ng MPV namin. Tanong ko lang, ano ba ang proseso ng mga Casa regarding PMS? Sasabihin ba muna nila ang gagawin at kung magkano ang aabutin? Kasi may nag advise na sa akin na automatic na daw na yung Coolant at washer wiper liquid ay kasama na sa package nila eh hindi naman halos nabawasan dahil bago pa nga yung unit.

Puwede ko bang i-request na huwag nang gawin yun para makabawas din ng bayad, tulad ng washer liquid ay nag DIY na lang ako(Wilkins+Joy Dishwashing soap+Isopropyl alcohol) at yung coolant ay madali namang bmili nung Green type kung kakailanganin.

Nasa 2,500 kms pa lang yung sa amin pero 8 months na sa amin, malalapit lang palagi ang biyahe. Kinakailangan ko lang kasing patingnan yung gearbox niya dahil maganit siya kapag nag gearshifting. Other than that wala naman akong patitingnan na iba pa.


TIA mg BOSSING!