New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6
    #1
    Mga pips .. bakit kaya ganoon pag malayo na natakbo ko tapos pinatay ko yung makina ay ayaw magstart kaagad ng makina ko ... makakarinig ka lang ng isang click .. pero pag sinusian mo ng sinusian .. around 5x-10x ay doon lang mag sstart yung kotse ko ? Ano kaya problema niyon ... solenoid kaya ? kapapalinis ko pa lang niyon ... saan pa kaya puwede panggalingan niyon....

    kotse ko pala ay mitsu gli 1994

    salamat po ....

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    695
    #2
    nagka-prob din ako ng ganyan... ginawa ko pinapalitan ko nalang ang solenoid switch, mga P550 tas sinamahan pa nila ng cleaning ang buong starter...

    una nga akala ko kelangang palitan ang starter eh pero nung pinacheck ko yung solenoid switch pala daw ang may problema... kung may kilala kang titingin, baka pwede mo ipa-diagnose ng libre para bago ka gumastos sa parts alam mo na kung ano kelangan mo...

    goodluck!

    ps- badtrip yan! nung isang gabi na nauod kami ni misis ng sine, last full show, pauwi na kami ayaw magstart... buti nalang mabilis magstart nung tinulak...

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6
    #3
    thanks ... brand new ba yung nabili mong solenoid .. at original

    nakukuha ba sa tulak iyon pag start ng engine pag di na paandar ng solenoid yung makina ...
    ty uli

    Quote Originally Posted by crawdaddy
    nagka-prob din ako ng ganyan... ginawa ko pinapalitan ko nalang ang solenoid switch, mga P550 tas sinamahan pa nila ng cleaning ang buong starter...

    una nga akala ko kelangang palitan ang starter eh pero nung pinacheck ko yung solenoid switch pala daw ang may problema... kung may kilala kang titingin, baka pwede mo ipa-diagnose ng libre para bago ka gumastos sa parts alam mo na kung ano kelangan mo...

    goodluck!

    ps- badtrip yan! nung isang gabi na nauod kami ni misis ng sine, last full show, pauwi na kami ayaw magstart... buti nalang mabilis magstart nung tinulak...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    695
    #4
    hindi brand new, surplus lang ang kinuha ko... at dun na rin sa electrical shop ko kinuha ang piyesa, meron silang stock dun eh..

    kung starter or solenoid switch ang problema, tulak lang mapapaandar mo yan... pero pag patayin mo, tulak ulit para mapaandar...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15
    #5
    ganyan din naging problem nung car ko dati. pero alternator ang sira (may iba pang symptoms, di lang yung pag-start). Nung pinaayos ko yung alternator (nilagyan ng external voltage regulator), ok na

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6
    #6
    thanks mge pre for the tip

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #7
    May "style" kami dyan. Yon sinu-short yon sa main battery terminals sa bendix drive with a big screwdriver. Pag umikot ang starter may problem yan bendix drive. Pls. do this with caution and remove the distributor para hindi mag start ang engine. Another is to knock the starter while turning the ignition key. Another symptom is when you can hear clicking sound while turning the key. This a sign that your started needs cleaning or replacement. Of course, do these things after checking your battery connection, condition (ea. beep the horn, turn on the lights). Good luck.

  8. Join Date
    Oct 2017
    Posts
    1
    #8
    Sana matulungan nio ako mga papz ung suzuki min van ko kc ayaw tumuloy tuloy ang andar pag pina andar nmamatay agad.Cnubukan na rin nmin itulak ayaw tlga nag i start lang pero namamatay agad.Kaka overhaul ko lang sa kanya sana matulungan nio ako.Salamat

  9. Join Date
    Jul 2017
    Posts
    381
    #9
    carburetor or efi type?

    Sent from my SM-G955F using Tsikot Forums mobile app

  10. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    53,460
    #10
    Quote Originally Posted by Nolram40 View Post
    Sana matulungan nio ako mga papz ung suzuki min van ko kc ayaw tumuloy tuloy ang andar pag pina andar nmamatay agad.Cnubukan na rin nmin itulak ayaw tlga nag i start lang pero namamatay agad.Kaka overhaul ko lang sa kanya sana matulungan nio ako.Salamat
    if it was running before overhaul, and does not run now after overhaul...
    if starter solenoid ang problem, the crankshaft would not even turn. "click" lang ang mangyayari.
    if starter or solenoid ang problem, you can still push-start it.
    it seems to me, starter/solenoid is not the problem.
    look somewhere else, po. after an engine overhaul, the problem can lie anywhere, but not starter/solenoid.

ayaw mag start ng kotse ko - solenoid kaya ?