Generally mahal ang honda parts kung original at kung bibilhin mo sa repair shop. So yung price mo hindi naman overkill - parang sa casa ka nagpagawa.

Sa nakita ko na list, the best way to a decent comparison is ipa-quote mo muna sa CASA. Get their breakdown of parts (usually with price naman) and labor fee.

Kung hindi mo kaya talaga sa budget, unahin mo ang kaya at importante.

In my opinion, the tie rod end, upper ball joint ang importante kung talagang sira na.

Yung steering boot, protection lang ito...kung hindi pa sira at butas, pedeng hindi palitan.

Yung bushing ng trailing arm (mahal masyado ang estimate yata nito), usually makaldag ang sasakyan so kung tolerable, pedeng mo papalitan next time.

After palitan, alignment is important.

Yung dampers (shocks) kung hindi naman nag-roll-roll sa cornering, pede mo pang pag-tiyagaan yan....as long as wala pang tagas ng langis. Hindi ka naman siguro nagkakarga ng marami? Pero kung parating nag-bobottom out na ang dampers mo kahit kaunti humps o lubak...no choice ka but to replace them.

I was wondering bakit merun engine support....sobra ba ang vibration ng makina ng oto mo? as in nag-sheshake na ba? Kung hindi pa, ipa huli mo na rin yun.

Base sa description ng trabaho sa oto mo - dapat yung oto mo ay maingay, nagsheshake on idling, makalampag when running along edsa, nagbobottom-out (thud sound) sa humps na maliit o lubak na mababaw, pag napahard corner o liko ka pakiramdam mo ay tataob o out of control yung oto mo....o sa simple words para kang sumakay sa isang 10 year old taxi ng hindi properly maintained.