Quote Originally Posted by 17Sphynx17 View Post
2015 not that old kung ganun.

Teka, directional tire ba yung sa 17s?

Pero masuggest nga is trace kung san galing yung sound as to which side. Say 17s nga yung rear na kinabit mo nung nagingay. Try na lang kung kaya na ilagay sa harap yung 17s and 16s sa rear to test it out since andiyan na yung rims and tires.

Re sa shop, swertehan nga kung maayos or marunung talaga yung kausap mo about checking the tires para di mapasubo agad sa bearing replace agad tapos kalaunan may ugong pa din dahil gulong lang pala issue makakasuntok ka ng mekaniko pag ganun. hehe!

Ayun, humming sabi ni ice. ugong yung asa isip ko. hehe!

Yung sa alignment naman, pag mabilis takbo, ang experience ko kung alignment ang issue may "nginig" manibela pag 60 above takbo mo. habang bumibilis ka, lalo din mas nanginginig manibela habang hawak mo so less likely since wala ka nabanggit na nanginginig steering wheel mo while driving 60 kph above.

Yes sir. Directional tire. I know it’s noisier than other type of tires pero ibang tunong to sir. Narinig mo yung sa video na nasa link boss? Ganun talaga sound.

About alignment, wala syang vibration pero it steers to the left very slightly. Which i suspect the annoying tire sound comes from.

Di ko masyado iniisip na bearing to sir, kac alam ko tunog ng bearing kac may ganung tunog dati family van namin.

Now kung talagang bulok talaga tong tire ko mga sirs, pwede ba na isa lang kukunin ko na tire since isa lang defective? Or do i need to buy 4 tires? (Di ready bulsa ko neto haha!)