Results 1 to 10 of 10
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2009
- Posts
- 306
November 19th, 2011 08:20 PM #1similar ito sa isang thread kaso hindi naman nawawala ang galit
. pero ang problema ko is after about 30 min - 1 hour of driving, nanginginig yung makina na parang mamatay kapag nagpreno ako. ganun din pagkatapos ng full stop, syempre 1st gear muna tapos medyo nanginginig sya mula 1rpm to 1.5 rpm kapag nagshift ako ng segunda tapos na short shift at 1.5 rpm lang sa segunda, ayun parang nanginginig din at mamatay ang makina. dati naman kahit 1 rpm to 1.5 rpm mapa segunda o primera hindi naman nanginginig, nadidiinan ko tuloy ang apak sa gas para tumaas agad beyond 1.5 rpm para di manginig. parang tumaas tuloy ang fuel consumption ko. kapag idle walang aircon ang rpm is 6-7, with aircon 8-9 rpm. hindi pa naman namatay yung makina parang nanginig lang at parang mamatay basta rpm is 1-1.5 mapasegunda or primera. kapag bagong andar naman yung kotse walang problema kapag mga after 30 mins lang ito lahat nangyayari. kapag pinatay ko ulit ng mga 1 hour at binuksan ko okay na ulit. hirap lang kapag traffic at stop and go at palaging primera or segunda or 3rd gear ang gamit.
sentra 1994 eccs pala ang kotse ko. ano palagay nyo problema?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2011
- Posts
- 19
November 21st, 2011 12:46 PM #2ung sakin bali nag byahe ako marikina to tagaytay. pag mabilis ang andar ko alang problem. 100 to 120 km/hour ok ang takbo at hatak. pero pag stop to primera nanginginig ang makina... tapos. pag patay aircon ko 1 ung rpm ko pero pag nag aircon ako bumabagsak sya ng mga 800... Tanong ko lang paps. dapat ba pag nag aircon ka tataas ung rpm or dapat baba.. thanks
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2008
- Posts
- 74
November 23rd, 2011 10:40 PM #3Ang kotse ko 93 Sentra GA16DE ang makina, malamang pareho pa tayo ng makina. Ang matagal naming problema sa kotse dati ay medyo kapareho ng sa iyo, sa ilang ulit naming pinagawa iyon ay ang nakitang may problema ay yung karburador. Matagal din naming pinagtiisan ipa-overhaul ito ng ilang ulit ngunit ganon pa rin ang performance, hanggang sa pinalitan na lang namin ito ng surplus na galing sa kinakahuyan nang sentra sa may Imus. Ayun, ok na ang performance. Pinalitan din namin yung fuel pump.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jul 2011
- Posts
- 399
November 24th, 2011 12:11 AM #4Sir GA16DE comes with an Electronic fuel injection, meaning hindi po siya carburated.
The usual problem yan, kailangan lang linisin yun air mixture controller vavles niya. Sorry at nakalimutan ko na yun exact term doon. By the looks, mukhang madumi na siya at kailangan na linisin yun (fidc or fdic yata tawag doon). Pagbinukas ninyo yun hood niyo and youre facing sa engine sana left side siya pagtapos ng air intake manifold wih brown and violet/purple connector. I dont suggest for the first timer to clean this by themselves kasi medyo tricky. Makikita ninyo may 2 soleniod vavle doon, thats the one controlling the air mixture. One is the controller of air during airconditioner compressor naka on and the other one controls the idle. Its best to have to clean by a proffessional muna tapos tignan niyo kung paano gawin para sa ganon puede na ninyo linisin by yourself yearly.
Puede rin fuel pump pero bihira ito masira
-
November 24th, 2011 10:25 AM #5
I second the motion. IACV (Idle Air Control Valve) or AAC (Air Actuator Control) ba yun? Tumatanda na. :D Once it's removed, you can clean it with carb cleaner. If memory serves me correctly, it's on the right side of the Throttle body. Best to have a mechanic clean it along with the TB already and have the MAF sensor (sensitive part) cleaned as well. Sabay niyo na rin ng tune-up and check ng timing.
Follow the proper procedure of setting the timing and idle, this site can help: Definitive Guide on How-To Adjust Timing! - Nissan Forums: Nissan Forum
The link also has a pic of the IACV as well. Aside from that, make sure also you're not getting excess drag from the a/c and alternator bearings.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2009
- Posts
- 306
December 26th, 2011 09:34 PM #6Mga boss, pina check ko na sa service shop ng shell mindanao ave habang pinachange oil ko. Tinignan yung spark plug. Habang umaandar inalis paisa isa yung spark plug yung isa walang epekto sa engine nung tinangal. Pinalitan nila ng bagong spark plug kaso wala pa ring epekto kapag tinangal. Nacheck rin kung may kuryenteng dumadaan yung wire sa ibabaw papuntang spark plug, okay naman. Sabi nila mukhang yung valve daw ang problema kailangan imachine shop. Mukha bang tama? Balak ko ring ipacheck sa iba para sigurado. Gusto ko ring marinig yung opinion nyo para makumpara ko. At kung sakali, may maiirecommend ba kayong machine shop sa may mindanao ave area o visayas ave. Sabi pala sa kin nung mechanic ng shell kung machine shop hindi lang isang araw gagawin tapos quote nya around 4k to 5k pesos. Hindi pala sa shell gagawin sa kakilala nyang may machine shop.
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Jun 2005
- Posts
- 3,774
December 29th, 2011 12:12 AM #7pacompression test ka muna. same thing happened sa altima ni gf. okay and compression sa wet and dry test. ginawa ko palit fuel injector ng surplus at okay na uli.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2009
- Posts
- 306
December 29th, 2011 06:42 PM #8ano yung compression test?
Okay na pala yung sasakyan. Both sa shell service station at sa goodyear servitek kailangan daw ioverhaul. Yung pinagtanungan kong matanda na dating mekaniko (nagtitinda na lang ng surplus na generator) chineck lang yung wire papuntang makina. Yung nasa gilid ng makina, ginalaw galaw lang nya. ayun ayos na. mukhang wirings lang kasi sa kalumaan na rin ng sasakyan. Tinest ko isa isa yung spark plug by removing them one at the time. Lahat may epekto sa makina parang mamatay kapag tinanggal dati kasi yung isa parang balewala kahit tangalin. Nacheck ko rin sa internet kapag daw ganun, gumagana yung spark plugs. Maganda na rin yung takbo ngayon, smooth at nawala na completely yung nginig kapag mababa yung rpm. dati parang hirap na hirap at nanginginig yung segunda at tresera kapag mababa rpm e madalas short shift pa ako. Sabi nya ganun daw talaga pag Efi at medyo luma kapag nagalaw yung wire minsan nagkakaproblema. Di pala nagpabayad yung matanda. Binigyan ko lang ng burger. nakasave ako ng 4k! galing ni manong.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 6
April 18th, 2013 12:38 PM #9ung multicab ku p0 pag matagal na po aku tumatakbo bigla na lang po nawawalan nang hatak kahit po tapakan ung gas po wala padin po hatak bakit po kaya ganun kuya nalinis ku nadin ung EFI suzuki f6a sya help kuya....
-
April 18th, 2013 05:26 PM #10
nagkaroon din ako ng problema sa panginginig ng makina pag idle ang sasakyan. it turned out na yung mga vacuum hoses ang may problema, natatanggal saka maluwag na dahil medyo gato na. nirecommend sa akin na palitan ng silicon hoses. kung may panginginig, malamang maruming carb daw at sinabihan ako na maghanda ng carb cleaner o carb repair kit kung malala na.
may idle issues pa din pero tolerable naman. gusto ko sanang dalahin sa mekaniko ko dati kaso binalasubas ako at baka manloko uli. my ride is a suzuki multicab carbed na F6 engine.
If you don't have a spare tire, a tire inflator using the socket of the car as power outlet is the...
Liquid tire sealant