Quote Originally Posted by dongmbb View Post
Mga bosing, paano po naalis nyo ang ligitgit kapag naka todo ang kabig ng manibela ng urvan nyo? masakit kasi sa taenga kaya gusto kung maalis ang lagitgit. TIA.
Kelan nag start ung ligitgit ng manibela mo Sir? Check mo po muna ung Power Steering Belt / Alternator Belt. Maganda nyan todo mo yung kabig ng manibela habang tinitignan mo ung mga FAN Belt mo. Yung sakin kasi dumudulas na pala ung Alternator Belt ko kapag todo ang kabig kaya sya nag iingay.

Sinikipan ko lang at nawala na ung ligitgit. Pero ingat sa pag higpit ng belt, baka kasi masobrahan sa higpit ma putol ung belt while driving.

Pede din luma na ung mga belt kaya nadulas na.