Kung naka disable wala na itong problema . Huwag lang mag ilaw iyong check engine mo .Obserbahan mo lang .
yes sir underobservation... basta pag start ng engine nagbblink na yung "air bag" hindi ko makita yung relay or fuse ng sa flasher para maipatay yung nag fflash, iniisip ko din kung baka nakatimer yung na magwarning kapag time to check or refill na... kung yun ang case nito eh dapat may pang reset nito.
Tol, subukan mo rin reset iyong ECU mo . Tignan mo kung ganon pa rin .Iyong sa akin pag switch ko ng susi iilaw iyong airbag . Hintayin ko munang mawala ilaw bago start iyong makina.
question po sir speedunlimited...
Ung 2003 nissan exalta DS ko kasi parang medyo bitin ang hatak..kakapalit ko palang naman ng ATF...tska napansin ko parang mas lumakas siya sa gas noong nagpalit ako ng ATF pero ganun pa din ang speed ko...anu kayang pwede niyo maadivise na ipapacheck ko? thanks
Hello Speed and my fellow Exalta Club members! Sorry now lang ako ulit nakapag-post dito... Nanganak kasi si misis to our 2nd baby boy last June 18th... By the way Speed, nakahanap na ako ng fender liner (cover ng wheel well)... Yung pinto, napa-align ko na din... Yung cover ng driver's arm rest compartment na lang ang kailangan kong makakita...
Tol, check mo ito baka marumi na air filter mo . Kelan huling palit ng spark plug mo . Check mo habang umaandar hugutin mo isa isa sparkplug wire cable mo at itapat mo sa spark plug mo tignan mo kung malakas bigay ng kuryente nito. Reply ka na lang kung ano nangyari pag ginawa mo ito.
guys goodpm, ask ko lang if may alam kau bilihan nung emblem sa hood para sa exalta nate? sta ung aken. pati po ung emblem sa likod na nagco cover sa susian. ninakaw kasi kaasar. salamat po sa tutulong....
Tawagan ko muna iyong friend ko kung saan tayo makakakuha niyan . Post ko rito pag nakausap ko siya.
http://i453.photobucket.com/albums/q...1/IMGP0485.jpg
Put this SR20DE on your engine and you will be satisfied . A battle tank engine if properly taken care.
sir ano po ba mas ok na makina galing po kasi ako sa 1997 lancer glxi 1.6 manual 4g92 sohc tapos balak ko po bumili ng 2001 exalta grandeur 1.6 QG16DE hinde ko alam kung dohc na sya kaso automatic ... salamat
Nissan QG 16DE engine DOHC na siya at 16 valves. Iyong cylinder head features niya ay Nissan Variable Cam Timing (N-VCT) and micro-polished camshafts. kahapon galing lang ako sa Banawe marami Japan surplus na makina nito.
sir speed malaki po ba difference sa performance ng dohc na makina compared sa sohc kahit parehas lang na 1.6 , pasesnsya na noobie lang pagdating sa kotse lalo na tungkol sa makina .... last na po off topic ng konti ayoko kasi nung emblem sa hood pwede bang alisin yun o may butas sya na kinakabitan ... salamat
Kung sa perfrmance ng makina mas malakas iyong DOHC kahit parehas silang 1.6 liter engine . . Tignan mo na lang sa loob ng hood kung may turnilyo na nakakabit sa emblem . Kung wala gamitan mo ng hair blower pag nainitan madaling tanggalin emblem pati sa likod .