hi mga gurus,

question lang po, san po ba may bilihan ng headlight na salamin na (ung hindi na plastic) kasi sobra labo na ng headlight ko. meron na kasi ako nakita na mangilan-ngilan na ung headlight nila eh babasagin na, kaso di ko lang matyempuhan ung may-ari para magtanong.

kung possible po sana eh around Las Pinas, Cavite or Makati area.

and lubusin ko na rin po huling katanungan. kapag ung sasakyan eh galing sa pahinga wala problem sa start, pero kapag after a few hours of driving at pinatay ung sasakyan ayaw na magstart. pero after mapahinga ng ilang oras eh magsta-start na. Note, wala po talaga kahit anong sound kapag nagsta-start...

ung diagnosis ng mekaniko ko eh sa ignition switch. napansin din ng pinsan ko na dapat eh tangal-tanggalin lang ung susi tapos mejo diinan tapos biglang ok na...

tama po ba ang diagnosis nila? magkano po ang ignition switch? ano po ba ibang workaround dito? may kinalaman kaya sa duplicate key lang gamit ko?

maraming salamat po...