I agree, kasama dapat cages.

The problem is, by itself maingay na agad ang motorcycle, tapos kakabitan pa ng mas maingay na muffler. Ang napapansin kong diskarte ng karamihan sa mga riders, imbes na gumamit ng makataong busina, irerev ang motor kapag gusto nilang sumingit kahit wala naman ng daan. Ang gusto nila bale pinahan mo yung katabi mo para magkasya sila. Plus, of course, hindi mawawala yung porma at, sad to say, "feeling mabilis" na dala ng modification na ito. Alam naman nating lahat na after maubos ang arangkada ng mga ito, wala na.

Dapat may decibel limit ang mga ito, at kung papasok sa loob ng subdi/residential area limited ang rev. Common sense lang kumbaga. Walang kinaiba ito sa mga bumubusina para buksan ang gate nila ng mga maid kahit madaling-araw na. Pwede namang sila nalang ang bumaba ng hindi makabulabog ng mga kapitbahay.