Guys pede po ba makahingi ng advice regarding sa car cover? kasi for some reasons, nakapark ang kotse namen sa labas ng garahe, 2 weeks old pa lang po sya at gusto ko alagaan ang pintura kahit na sa labas sya ng garahe...

naaawa lang po kasi ako sa kanya kasi ulan at araw ngayon, gusto ko sana bumili ng car cover para ma protektahan sya sa init at ulan.

ang problema ko po ay ok lang ba na maulanan at mainitan ang kotse na may car cover? or makakasira po ng pintura yun? pa suggest na din po ng maganda car cover sa situation po namen (sa labas ng garahe nakapark, wideopen sa ulan at init) thanks