Quote Originally Posted by vinzilla View Post
Di ako expert pero ito ang pagkakaalam ko:

Depende kung gaano ka-grabe. Pag maliit lang, normally, kailangan i-sandpaper yung area hanggang mawala yung rust. Kasi minsan di natin alam gaano kalalim yung kinain ng kalawang. Pag malaki-laking area, normally, sander ang gamit na tool. Basically, stripped down to metal yung area then lagyan ng filler, then primer, then base coat na same color sa kotse, then clear coat.

Since maliit lang yan, tanggalin mo muna using whatever tool you can get your hands on - minsan gumagana daw ang coke - baka dahil sa acids nya? Baka may mga rust remover din sa paligid. At the end of the day, kailangan mo bumili ng touch up paint para sa mga tuldok na yun. Then sand it down, then polish and wax.

Ang sayang kasi kung buong panel ang irerepaint. Pero KUNG ang presyo ng mga gagamitin mo ay close na sa pag repaint ng panel, repaint mo na lang. Hehehe. Tandaan lang, bawal i-wax ang bagong pinturang panel for 2-6 months (lalo na at maulan) or else mag-bubble yung paint.

Thank you sir. As it turned out na yung rust spots eh superficial lang. Galing pala sa gate namin yung mga spots siguro nung umulan tumalsik sa bubong at tumigas. Ginamitan ko kasi ng polishing compound eh nawala naman at di naman tagos sa pintura.