Pareho tayo sir, I'm not happy with my diesel adventure. Wala naman syang sira or something but, parang kulang-kulang.
Naiistress kasi akong idrive sya kasi ang bagal. Parang there's always a threat na maoovertakan ka. Don't get me wrong, hindi naman ako mabilis magpatakbo, pero ayoko lang nahuhuli. Kaya pag nagyayayaan ang family namin na magprovincial trip, nawawalan ako ng gana kasi alam kong oovertakan lang ako ng ibang sasakyan sa hiway. Sa mga bagong labas na sasakyan ngaun, adventure na ata ang isa sa mga pinakamabagal. Sobra-sobra pa ang body roll, naexperienceko ito nung pababa kami galing baguio.
Material quality, i can say that you get what you pay for. Yung gulong, ang payat-payat parang malnourished, hehe. Yung engine naman, ang usok sa biglang acceleration, kahit pa na alaga sa maintenance.