
Originally Posted by
vnessa
Need an advise from the experts. NOt sure kung tama ba ang pagkakadukot(top overhaul) sa auto ko or what. Kaya ako nagpost dito para sa mga inputs niyo. Eto kwento: Pagkatapos ng maraming pag andar at hindi ng Lancer 97 EX (itlog) ko, 4g13, after nung bagyo, sabi ng mekanikong malapit sa lugar namin ay kailangan na daw dukutin. Pina-top overhaul ko sa kanya, dahil ilang araw na rin na nakadengga ang auto. Matapos ang overhaul, pang-apat na araw ko na gamit ang auto ngayon at kanina along Ortigas ave, pag-stop namin dahil sa stop light, namatay ang makina, nagstart after. Nung malapit na kami sa Ever Ortigas, "kumakadyot" ang auto. Nag-U-turn kami para dalhin na lang sa mekaniko, biglang namatayan ng makina. Start then nawala ang pasulong sulong na takbo. Nangyari ulet ito nung nasa floodway na kami nung pataas na ang kalsada. Nakakakaba mga fafs dahil alam mong palyado pa ang makina. Tinuloy pa rin namin hanggang makarating kami ng opisina. Eto pa ang problema,at nangyari ito after ko magpa-overhaul, pag pinatay mo ang makina at pagpihit mo ng susi, may 2-3 seconds na delay bago mamatay ang makina. Sabi pa nila (Mekaniko) na peke ang isa sa 4 na nabili kong sparkplugs (NGK brk5e) sa Petron Gas station. So pansamantala, pinalitan nila ng bosch platinum ung peke. At pinapabili ako ng bosch platinum. Bali ang nakasaksak ngayon na SP sa makina ko eh 3-NGK at 1-bosch platinum. TAKE NOTE, hindi ko pa na-break-in ito dahil hindi maganda performance after ma-top overhaul. Bukas bibili ako ng genuine SP sa Eldo, since marami ako magandang feedback nababasa, at yun ang ipapakabit ko sa kanila. Iniisip ko rin na may-koneksyon ang spark plugs sa pagtakbo ng EX ko. Kayo mga experts, any comments? violent reactions? any help? im not an expert and im new to cars, vnessa