Yan yung malaking bilog na makikita mo sa driver side. Yan ang pinaka-puso ng brake system ng isang sasakyan.
May napapansin ako ngayon ke Mit-Parts, marunong na sila managa ng presyo ngayon. Yun OEM upper suspension arm bushing nila, 650 lang bili ko last year. Ngayon nasa 1.8k na daw ang isa :hammer:
Ke Coltline tuloy ako napabili, nasa 900 naman ang isa.
Mga pards, tanong ko lang may gumagamit ba sa inyo ng low maintenance na batt for paj? Magpapalit na ako ng battery hirap na mag start. Kaso medyo short sa budget. Sabi kasi nung batt shop kailangan daw maintenance free battery na gamitin kapag pajero. But im in doubt. Thanks.
Guys, may naka experience na ba sa inyo dito na at 2k rpm may parang rattle na naririnig sa engine bay. Napa check ko na engine sa dalawang mekaniko wala naman daw problema. ang dinig nila parang may maluwag lang daw na kung ano na nag cause ng rattle pero di naman makita. Lahat na halos na pwede umuga nalagyan ko na ng cable tie pero andun parin ang rattle. Ano kaya ang pusible panggalingan nito? Please help nakaka frustrate na eh. thanks in advance.
Paj,
Check mo yung air filter. Baka maluwang ang screw o yung fins maluwang.
Gamit ko now motolite truck master LM. monthly check nang tubig, nasa 1 year and a half na rin okay na okay pa. Basta 3sm ang size nang battery na ilagay mo kahit LM or MF yan puwede siyempre. Nung nabili ko nga pajero eh outlast low maintenance din nakalagay, yun umabot din almost 2 years alaga lang sa tubig talaga at bihira yung start-stop nang makina.
Kaya kapag kapos sa budget, i will not hesitate to buy another LM battery basta yung reputable brands lang like motolite, outlast or GS.
Fasten your seatbelt! Or else...Driven To Thrill!
Pajero02, may chance injection pump timing yan or timing chain, tunog diesel clatter siya pag ni Rev mo. Pa delay mo konti timing kung may magbabago.![]()
Thank you brad juan. Nasa 4800 bigay sakin ng motolite gold kulay black casing niya MFree din. Pero may nagbibigay din sa akin 3650 dyna power maintenance free. What do you guys think? Im more inclined to buying Dyna power. Laki ng price diff. Afaik, motolite din gumawa ng dyna.
Yung Amaron na 3SM ay 5200 kasama yung trade in ng baterya mo. Yung Amaron ko is 1.5 years and running strong pa.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Yung Amaron na 3SM ay 5200 kasama yung trade in ng baterya mo. Yung Amaron ko is 1.5 years and running strong pa.
I forgot pero less than 4K ata. Heavy duty kasi truck master kaya guato ko itry. Dati mga forwards namin 2pcs 3smf motolite enduro ginagamit. Nung ako na manager sabi ko 2smf enduro lang kaya na. Ayun tama nga, 15-16 months busted na. So ngayon nagtry kami 2pcs 2sm truck master, okay din. Kaya pa 18-20 months. Laki nang tipid. So I suggest na truck master na lang bilhin mo. Kasi yun subok ko na. Dyna hindi ko pa alam eh. Motolite champ na MF ang alam ko na isa pang brand nang motolite, hindi ko alam Dyna na yan eh.
Fasten your seatbelt! Or else...Driven To Thrill!
So sakto lang bili ko sa kanya pala at mas napamura pa. Naikabit na nga ng tatay ko yun bushing nung isang araw at ok na yun FM niya.
Yun JDM naman namin, ni-convert ko na yun power steering line niya to local OEM style. Sobrang laki ng improvement dahil lumambot na yun manibela. Dati kasi, akala mo walang power steering sa tigas at sumasabit pa. Kaya nung time na bumigay na yun power steering lines niya a month ago eh inayos na namin. Ang mahal nga lang dahil puro OEM ginamit ko, pero sulit naman!