i think zix is referring to the o-sulee spring cushion...
O-sulee Spring Cushion - The World's only modular Spring Cushion | SpringCushion.com.ph
I think due for injector cleaning or calibration na ang Pajero ko. Between Denso and Central Diesel saan ba mas mura and ok ang trabaho? How long ba usually ang process? Pwede ba iwan while being fixed or dapat tutukan?
Malapit lang sana dito sa amin ang Berrima mahal yata.
Ang experience ko lang ay ang Central Diesel. Dyang ginawa yung FM ko. They are pro at yung trabaho ay garantisado. Alam nila sakit mg FM so madali lang sa kanila yan. Kailangan iwan mo sasakyan mo ng 2 days at least.
pwede basta may coil spring ang kotse... sa likod lang sa atin mga pajero since wala tayo coils sa harap... visit their website ^^... may list dun ng distributors para kung saan malapit sa inyo... warning though that blade stores do not install these... kaya i suggest dun sa mga auto accessories shop like roadstar or yung mga nasa banawe
mga sir, repairable po ba ang "down-up" screw adjustment ng headlights natin? Patulong naman po and TIA po...
Guys ask ko lang psi nyo for front and rear tires. Ano b normal psi from the mits manual ? Thank you
karga ko po 32psi.. medyo mataas kesa normal para tipid sa diesel
totoo po ba yun? makakatipid pag mataas hangin?
may sideeffects po? maliban sa harder ride?
madali po kaya magcrack tire?
nabasa ko mas mauuna mapupudpud gitna ng tires pag mataas hangin but sa case ng akin.. wala naman po ako nakikitang sign na ganun
nabasa ko kasi... pag kulang sa hangin.. malaki daw itatakaw ng sasakyan
anyone here use nitrogen? ako plain air lang.. but madami nagaalok ng nitrogen.. but iniisip ko kung may use po ba talaga? since... 71 or 79 % yata ng air natin diba nitrogen.. hehe
may friend po ako 45psi ang hangin.. but not on pajero.. he is on a tuscon... iniisip ko too much.. pero mga elf namin 70psi to 80psi depende sa karga e... kaya hindi ko alam kung sobra nga ba 45.. hehe
Naka nitrogen yun Pajero ko. Libre kasi pakarga ng nitrogen that time doon sa GTD once na sa kanila ka bumili ng gulong. Simula nung nagpalit ako ng gulong last March, di ko pa pinapakargahan ulit ng hangin yun mga gulong ko. Kung ano naman difference ng nitrogen sa ordinary air, ewan ko pero sa akin, di ko masyado pansin. Magkano na ba magpakarga ng nitrogen sa ngayon? AFAIK, noon eh abot pa ng 100 ang pakarga dito.
May epekto din talaga sa FC ang tire pressure ng gulong. Opkors, pag sobrang baba ng pressure ng gulong, tendency nito eh medyo babagal takbo mo at lalakas ang FC. Sa pagkakaalam ko, dapat within standard ang pressure ng gulong to maintain standard FC.