Guys, may alam ba kayo repair shop whose expertise about diesel engines along Pampanga area (Guagua, Sta Rita, Lubao, San Fernando and Angeles)?

I know there are some other threads here that were already discussed about sa mga 4m40 engines but please i'll let you answer my problem. Di po ako gaanong knowledgeable pagdating sa makina at mga terms nila, pero might as well i'll share to you the problem with our pajero 4m40. Ung problem po is about oil leakage. Medyo umaakyat ung oil ng makina, then merun din po napupunta sa turbo. Tendency nun nagiging mausok ung pajero namin. Naka isang beses ng na-overhaul ito last 2009. Parang tingin ko sa piston ito mukhang nadamage pati na din ung sa liner. Tingin kasi ng dad ko mukhang di naging maayos at plakado ang pagkakabit ng mga ito nung nirepair ito nung 09. Nagagamit pa rin namin til now kaso hindi pwede pang long distance. Then, sa fuel consumption, from 12km/l naging 7.5km/l na lang ngaun lately. Nung pinacheck namin ung makina in different repair shops, aminado sila na tlagang complicated masyado ang mga 4m40. Sabi nung isa nasa turbo daw, ung iba ansabi ok pa nman. May nagsabi din na palitan na lang daw ng black engine which i think may kamahalan un.


Ano kaya ang best solution dyan? Estimated cost all in all (replacement, parts, labor etc.)
Thanks in advance