New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 2560

Hybrid View

  1. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,219
    #1
    Quote Originally Posted by sevensheep View Post
    newbie lang po mga sir,
    yung itlog ko po hindi nagamit for 2 to 3 days hirap mag start so inaalis ko nlang ung tap sa battery ... ano po kaya problema ung batery or grounded po ang wirings? tnx
    ilang taon na ba ang battery mo? baka namamatay na yan at kailangan nang palitan?

  2. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    3
    #2
    Hello po mga sirs! Salamat sa thread na ito at nahanap ko si Sir Ray. Yung cp no. niya dito sa thread ganon pa din.

    FYI din para sa mga nagiisip mag palit ng bagong servo 15,300 yung orig at yung transmission ng pang automatic 18,000 naman. Kung papa by-pass niyo lang yung servo niyo nasa 1,600 ang mga parts na kailangan.

    Para sa transmission ituturo kayo ni sir rey kay sir mario, yung shop niya malapit sa banawe. Along E. Rodriguez coming from Delo Santos Hospital cross g. araneta then turn right on BMA street then on Kabignayan Street (the 2nd corner on your left) yun na po yung shop ni sir mario mismong sa kanto.

    Tanong ko lang po may nagpalit na ba sa inyo ng engine from stock to 4g63t?

    Ito po kasi mga tanong ko:

    1.) sa wiki sinasabi na may 3 generations ng 4g63t, alin po ang puede ikarga sa itlog? yung 1st gen lang ba o puede yung 2 and 3?
    2.) bukod po sa engine pati yung transmission papalitan? At anu-ano pa po kaya?
    3.) magkano po ang total na pagpapapalit (engine, transmission, ???, labor) ?

    Salamat!

  3. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    38
    #3
    Yung servo na orig at brand new is 15.3K? MD614694 or MD614698?

  4. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    3
    #4
    *Boss John salamat sa mga sagot mo.

    *KaYLakS sir hindi ko po alam. tinanong lang ni RS kung magkano yung servo for lancer 93 itlog AT glxi at yun ang sinabing price.

  5. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    5
    #5
    mga sir ano dapat i pacheck yung idle ko kase bigla bigla taas baba taas baba parang naglalaro kapag naka neutral? minsan normal naman pabigla bigla lang... at saan kaya maganda ipacheck around almar zabarte sm fairview po ako salamat..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #6
    Quote Originally Posted by azkikr View Post
    mga sir ano dapat i pacheck yung idle ko kase bigla bigla taas baba taas baba parang naglalaro kapag naka neutral? minsan normal naman pabigla bigla lang... at saan kaya maganda ipacheck around almar zabarte sm fairview po ako salamat..
    throttle body and servo cleaning yan bro.
    pero on kung san pwede ipatira sa area mo, wala akong alam eh..... from the south kasi.

  7. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    38
    #7
    Good day po mga ka-Itlogers.

    Napansin ko na karamihan sa mga nka EFI, malaking problema kung sira ang ating servo or IAC (Idle Air Control). Ano nga ba ito? <--ito po ay isang stepper-motor (1 digital pulse to rotate 1 step forward or backward). Ito po ang nagbibigay hangin papasok sa throttle body (TB) upang ipanghalo sa gasolina para magkaroon ng proper combustion sa engine. Ang servo ay may plunger, pumapasok o lumalabas sa isang maliit na tubo upang sarhan o buksan ang lagusan ng hangin. Ang servo ay may mechanism na mga plastic gears interconnected from the stepper-motor to the plunger.

    Ano ang kadalasang sanhi ng pagka-sira ng ating servo?

    1. DUMI or dirt: Kung sobrang dumi na ng mechanism, mawawalan na ng lubrication ang mga gears at ito'y nahihirapang umikot or ma stuck-up. Ok lng ung malapit sa stepper-motor kasi malakas ang torque ng mga steppers,e. Pero pa'no ung malapit sa plunger? Mabubungi ang mga gears.

    2. Wear and tear: Matanda na ang Itlogs natin. Mapupudpod pa rin yung mga plastic gears.


    Kailangan ba talagang palitan ang ating mga servo? Mahal sa pinas, e. Saka ka lang magpalit kung sunog yung stepper-motor or electronic circuit nya. Servo kit lang yan at magandang lubrication sa loob ng servo. Sabi nila ay may metal gears daw na available. Wala pa akong nakikita, e. Lahat ay hard plastic.

    Ingat din po tayo sa pag-spray ng TB or carburator cleaner. May dalawang butas po yan sa ibaba before throttle-plate. Kadalasan yung dumi ng throttle-plate ay nalalag-lag sa butas na iyun na may kasamang TB cleaner. Dudumihan na ang servo mechanism mo, aalisin pa nya ang lubrication w/c will cause plunger stuck-up.

    Ibang pagkakamali na inaakalang sira ang servo (non-EGR quipped), pero TPS (throttle position sensor) pala. Importante din po ang TPS kasi ito ang nagsasabi sa computer kung gaano karami ang hangin na kailangan. 0.4v to 5v WOT (wide open throttle). Imagine 2v ang idle setting ng TPS nyo, ano kaya position ng plunger ng servo?

    Haaay.. SOHC pa lang itong sa atin. MIVEC kaya?

LANCER Itlog (93-96) Owners - Please Post Here!