hi sir chinoi

thanks sa reply, yung basang sinasabi nyo is water ba? you mean parang moist sa engine? sir talaga po bang me sakit ang mga lancer na overheat? sensya na po, 1st car ko kasi ito, at nabili ko lang ng 2nd hand kamakailan lang, wala pa tlaga akong alam sa car. yung ginawa nyo pong alarm is pwede din akong mag pakabit nyan.. thanks
Sa ibang brand ng kotse nangyayari yun overheat na iyan . Hindi lang sa Lancer. Proper maintenance lang kailangan para makaiwas nyan. Palitan yun mga lumang radiator hose, check yun plastic bolt na takip sa drain ng radiator. Palitan kung kailangan. Lagyan mo ng rubber washer yunplastic bolt bago mo ikabit. Kasi yun konting basa ng coolant or tubig ay malakas makaubos ng tubig pag umaandar ang makina.

Gawan kita ng Overheat Alarm pag libre na ako next week. May ready pcb na ko at casing. Piyesa na lang kulang. PM kita pag may nagawa na ako.