Magandang araw po sa lahat gusto ko sana po humingi ng tulong senyo.., ako po si Andre taga oriental mindoro, i just bought a mitsubishi pajero intercooler 2.5 4D56 2nd hand, may mga problema lang po ako

1. ) May tagas po ata ang transmition ko kc po bawat park ko e may naiiwan na tagas ng langis. eto po ang picture

kuha ko po ito mula sa ilalim ng sasakyan.
at first po pinunasan ko muna ng basahan mapapansin nyo ung sa bandang gitna e makintab, tapos ini-start ko npo ako engine tapos nag start napo tumagas ung itim na langis.
ano po kaya suggestion nyo dito?

2.) napansin ko lang itong goma sa may suspension kasi po kawang ung goma e. kelangan ko na po bang palitan to?


3.) ok lang po ba na tanggalin ko itong dalawang hoses? kasi po kapag nilalagay ko ung dalawang hoses e masama ang tunog ng makina pag tinatapakan na ang gas saka sobrang mausok at walang hatak ang takbo. pero kapag wala ung dalawang hoses e balik sa dati ang takbo ng sasakyan..


4.) kapag po naka start ang makina o habang tumatakbo e may kumakalansing sa likod. parang lata. pero kapag tumatakbo na tapos nag preno e nawawala ung tunog.

5.) Paano ko po kaya mabubuksan yung signal/park light ko di ko po ma gets kung paano buksan.

6.) Gusto ko sana pong bumili ng rear windshield ng pajero ko, san po kaya mas mura at saka may delivery papunta dito sa Mindoro.


Maraming salamat po mga Sir.