New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    19
    #1
    meron po ba kayong alam na CLASS/TYPE ng TINT na nakaka-pagbawas talaga ng INIT pag-sobrang tirik ang araw... 3M po ba? o may iba pang klase??

    Gusto ko sana lagyan ng DARK TINT yung Lancer Singkit ko ng DARK TINT pati sa windshield, grabe na kasi init ng ARAW ngayon..yung misis ko pa BUNTIS..

    ANONG KLASE PO ANG MAGANDA at SAANG LUGAR?? Thanks in advance

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #2
    Magkanong budget mo sir? Pwede kang mag solargard or 3m. Maganda raw heat rejection ng solargard pero di ko pa kasi to nttry.

    Suggest ko lang since black na tint ang gusto mo. You can try 3m Super Black all around except sa windshield. Sa Windshield 3m Magic Neutral palagay mo 1pc dapat no cut. Safe at ok pa rin ang visibility sa gabi. Mejo madilim lang sa sidemirror ang ganitong setup.

    Kung budget meal naman pwede ng Platinum Super black all around tapos yung windshield na lang ang 3m mo Magic Neutral. Mas makakamura ka dito. Mejo madilim rin sa side mirror to pero mararamdaman mo na para ka lang sinisikatan ng araw sa braso mo pero wala namang init na kasama.

    I'm using 3m Magic Neutral sa windshield then platinum super black na sa lahat. 5 years na Adventure namin di pa rin tumatalong yung tint at parang ganon pa rin.

    3M Super Black vs Platinum Super Black

    Yung 3m parang ma brown ang tingin mo kapag asa loob ka ng car. Yung Platinum mejo ma black. Mas gusto ko output nung platinum ayoko kasi nung ma brown parang anlungkot alam mo yung parang palubog na ang araw ganon ang ambiance ng 3m yung Platinum para kang nag ray-ban na black . Pero sa labas halos the same lang sila ng pagkablack. Naka 3m kasi Urvan namin.= kaya na compare ko sila talaga.

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    19
    #3
    2-3k lang ..kung di kaya baka sa WINDSHIELD na lang ako magpapalagay.. maganda yung malakas maka-deflect ng heat.. grabe na kasi talaga ang init..lalo na kung ka-park ka sa walang lilim tapos tirik yung araw.. PAG-SAKAY MO PARANG KANG TINAPAY NA IPINASOK SA OVEN..O MANOK NA I-TTURBO BROILER (funny but so true..grabe init)

  4. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,237
    #4
    Nagpalit ako ng Tint recently Llumar na Dark Magic 2.5k. Visor lang sa harap at No Cut sa likod. Laki ng difference sa nabawas na heat. Yung tint ko dati yung Free lang sa casa and 6 years old na kaya pinalitan ko. Noticeable yung heat na nababawas sa loob ng cabin.

    Eto yung website nila and sa Bhoizee ako nagpa install. Sayang lang hindi nila kaya mag buo ng 1 Piece sa harap.

    http://www.llumarphil.com/dealers.htm

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #5
    Kontakin mo AutoDresscode sa Pasig kasya siguro yung 3k mo all around kasama windshield. Platinum Brand.

  6. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    79
    #6
    Quote Originally Posted by jmpet626 View Post
    Nagpalit ako ng Tint recently Llumar na Dark Magic 2.5k. Visor lang sa harap at No Cut sa likod. Laki ng difference sa nabawas na heat. Yung tint ko dati yung Free lang sa casa and 6 years old na kaya pinalitan ko. Noticeable yung heat na nababawas sa loob ng cabin.

    Eto yung website nila and sa Bhoizee ako nagpa install. Sayang lang hindi nila kaya mag buo ng 1 Piece sa harap.

    http://www.llumarphil.com/dealers.htm

    sir saan banda ba yang bhoizee?

AFFORDABLE TINT yet GOOD QUALITY