Bale ilan na tsikoters ang nabigyan na ng unit?
the rally spec pics with the lightpods look sublime.
i hope the turbo version reaches our shores.
Mukhang may mga nakakuha na ng units. Pwede na sukatin ang actual/real world fuel consumption.
Hi, nabanggit ko din yan sa SA ko this saturday na yung test drive unit naka 2-tone. sabi nya straight from Thailand pa daw yung demo units, all black daw yung pang PH units. Sabi naman nung nag assist sakin nung friday test drive, may limited number of 2-tone units pero sa white variant lang... haha kahit sila magkaiba sagot.
Malabo yan sir na makuha mo agad unit pag lumipat ka ng dealer at this time. Kasi panibagong allotment of unit na naman yung aantayin mo, panibagong pila na naman yan. Marketing strategy na naman ng mga SA yan ssbhn makukuha unit agad tapos pag nakapagdown ka na madami na reasons.
Correct po si jinstan, If you look at it sa liwanag at nasinagan ng araw you will see na parang pearl white, 2nd choice ko po yun at yun ang dumating for me sabi ng SA ko. di pa ko naka decide kaya po tinignan ko yun nasa moa at test drive ko na din yung white, she even point at me to look at the paint.
Ang alam ko meron tlga sila in house na insurance. Kumbaga may contact na sila sa insurance company for example peoples. Mga 1 or 2 ang insurance company pag in house. Kamote naman ng SA mo kng ndi niya alam yung company insurance na meron sila sa branch nila sbhn mo itanong niya sa branch manager or secretary nila. Haha
Able to test drive a glx cvt kanina sa moa. Soft and responsive ang steering, maganda ang ride, ok na din ang hatak ng engine though 4 adults kami and 1 toddler. Ni-rev ko sya up to 5000rpm, if I'm not mistaken umabot sya ng 80-90kph. Kya lang d ko maiwasan icompare performance nya sa vios since I use to own one before, lamang si vios in terms of engine, either 1.3 or 1.5. But for the price and the badge, ill say its a good buy pa din kahit walang power door locks, side mirror, and manual ang rear windows (madali lng nman magpapower ng side mirror and windows). For its price na ang competition is the likes of picanto, celerio, i10, eon...no doubt I'd choose mitsu. Ang akin lng kya glx cvt kinuha ko, kse kung 600k and up na ang price...I'd rather get yung medyo mas malaki like vios, fiesta, rio, or accent. Kabitan ko lng ng 17 si mirage ayus na! =p
Dropped by the Mirage exhibit at SM MOA this morning. Test drove the Mirage GLS MT and CVT.
![]()
Nagulat din ako sa insurance premium nya ah. Halos times 2 ng insurance ko sa Citimotors Makati. And dun sa 18230 ko for GLS CVT, kasama na TPL.