Yes tinanggal ko bumalik na sa normal. 2 days ko ginamit hindi naman nag check engine. Basta pag cruising ako at steady 2k rpm. Yung makina mo ramdam mo na umuugong siya. Sayang mas ok may blank sana. Kaso ayaw ko irisk na may masira.
Pero pag binirit ko full power no problem naman. Kaya hula ko may effect yung egr opening sa pag close ng butterfly (throttle). Sa australia kasi nag bubutas sila ng maliit sa butterfly para gumana ng maayos yung blanking plate.
Zixx. Bro ikaw ang expert sa blanking.i would love to hear from you

baka iba ang 4m41 ng monty sa pajero. Kung di ako nagkakamali iba din sila ng power output.
Additional info based sa obd adapter ko. Umaabot sa 80% opening ng egr ko. Dati rati papitik pitik lang and low 50% siya. Baka may sensor na nagsasabi sa egr na kulang sa intake. Kung sinara ng ecu yung butterfly. Di ako expert but observation ko lang yan.
