New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 21 to 30 of 63
  1. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    38
    #21
    nightrock :: sinabi ko na kanina.. it's just a going steady thing.. bata pa ko to think about marriage..

    naging kme na kasi for 7 months.. tas nawala.. tas.. basta magulo ung story.. i had my share of faults, i know.. pero he knows how much i've change..

    ni-actions di nia pinapakita.. (how would he show.. he lives in muntinlupa, i live in QC).. sha kasi ung type of guy na nde showy sa feelings.. labo..

    angst :: ako ren sobrang agree dian.. pero noon naman mas mahal nia ko ha.. *lol* howell.. maybe girls get easily attached...

    anyways, thanks sa mga insights kung bakit takot ung guy.. ehehehehe...

    give him time? 3 months na e.. give him time pa ren?

    pissword :: ok lng sana kung ganun e.. pero nde.. ang labo nia talaga..

    another bad trip thing (pero flattering na ewan).. nung nalaman raw nia na may gusto ako ibang guy, he wants to take me back raw... bad trip un dba??? (ryt angst?).. pero sabi nia naman na alam niang mali kasi d p raw talaga sha ready...

    *lol*..

    basta salamat uli sa nio!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #22
    Dori
    Commited to be a steady BF??? uhh baka di pa sya sure sa feeling nya baka.. nag hahanap pa ng mas Ideal girl..so better be smart to show him the best you can

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    400
    #23
    Commitment ba gusto mo?
    Bata ka pa naman, bakit ka nagmamadali
    itali ang sarili mo?
    Ask the guys here who've been married for
    a long time and they will tell you how big a
    word "commitment" is.
    Being "committed" does not only mean being
    a steady romantic partner. Its sticking together
    despite temptations and hardships. It means
    tons and tons of patience and understanding.
    Commitment is actually much more excruciating than
    it is fun. But in the end,you only grow as a person
    when you stand-by your commitments no matter what.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #24
    Originally posted by TJMaxx
    Commitment ba gusto mo?
    Bata ka pa naman, bakit ka nagmamadali
    itali ang sarili mo?
    Ask the guys here who've been married for
    a long time and they will tell you how big a
    word "commitment" is.
    Being "committed" does not only mean being
    a steady romantic partner. Its sticking together
    despite temptations and hardships. It means
    tons and tons of patience and understanding.
    Commitment is actually much more excruciating than
    it is fun. But in the end,you only grow as a person
    when you stand-by your commitments no matter what.
    i agree with tjmax...we, the young of today, do not know COMMITMENT just yet.what we know is the simple BF-GF commitment..the so-called commitment....

    it is such a BIIIIIGGGGG word na kailangan pa nating MARANASAN at matutunan.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #25
    IMO, tinutukoy po ni Ate Dori eh yung guy to be >>committed sa relationship

    Committed means:
    Dedicated
    Loyal
    Devoted
    Stanch
    Steadfast
    Faithful
    unswerving

    Well of course, all girls wanted their BF to be committed in a Relationship.... same applies to the guy... its plain and simple...
    if the Guy or Girl doesnt commit, that means he or she still seeks...
    leaving the partner tormented...
    Well, simply this is a signal for a fading relationship... its a catastrophe, si lalake palikero babaero, or si babae naman nagpapaligaw pa sa ibang guy although meron naman na syang BF...
    Thats why a person have to seek, to look for a far more better partner that suits her or his needs, baka yung qualities wala sa iyo or merong ayaw sa iyo...
    Confront mo, di pwede yung lagi ka na lang nasa isang sulok, nagmumuk-mok, ang nagsasabi ng tapat nagsasama ng maluwag....maybe you're not meant for each other? listen to the song of Parokya ni Egay "Halaga" Hayaan mo sya, in the end if he comes back you're meant to be....

  6. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #26
    dont be too serious, u myt not be able to enjoy life, ders more to the world than having d guy u like commit to a relationship.

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #27
    Originally posted by NightRock

    Sorry di ko ma get kung ano talagang commitment ang gusto mo...(labo talga ng mga girls minsan)
    ANG MGA BABAE TALAGA OO

    *gabe. usapang lalake*
    *sindi ng yosi*
    *hithit*
    *buga*

    Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan
    talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

    *hinga ng malalim*

    Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit `sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

    *tingin sa stars*

    Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sapanliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
    Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

    *tingin sa malayo*

    Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle sa atin ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin natin para masabi natin sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa natin. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay,
    tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha natin, kahit u miyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga
    asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang
    sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga
    standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
    Wala tayong magagawa, marami silang alibi. "Hindi pa `ko ready eh..", "Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better luck next time na lang muna, okay lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para lang kitang kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa `yon para sa atin.

    *kuha ng bote ng beer*
    *lagok*
    *lunok*

    At hindi lang `yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag
    sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos k ung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful;
    tayo, tayo tayo. Sila? Ummm... Teka, isipin ko.

    Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di
    dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.

    *kuha ng bote ng beer*
    *lagok*
    *lunok*

    Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan natin. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal natin kaya di na natin iniintindi yun.

    *hinga ng malalim*

    Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanil a. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte,
    dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

    *hinga ng malalim*
    *tingin sa malayo ulit*

    At ito pa ang pinakamasaklap.

    *singhot*

    Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong `to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better sa atin, o kaya they need f*cking
    space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod. At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe natin. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

    *iiling*

    Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts natin nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image natin, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung
    saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging
    single, at di na naman makakatulog. Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano?
    Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
    Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga.
    Titingin-tingin
    sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

    Ang mga babae talaga, oo.


    ###############
    Sa totoong buhay, hindi nagyoyosi ang may-akda. Kasalukuyan siyang may
    minamahal at naisulat niya ito isang gabing wala siyang magawa.

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #28
    Originally posted by dory
    of committment?

    you say you love them.. but you can't commit.. anlabo naman nun diba?
    Ang Mga Lalake Talaga, oo


    Ano ba ito? Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake,
    agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko.

    Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.

    Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng ***y manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat
    mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?Parang baliktad yata?

    Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka n a seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo,may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha ninyo na iyon wala na lahat ng mga
    paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang
    mamomroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip
    ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.

    Ano pa ba? E di sinagot mo na di ba. Utang naloob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka. Meron ka pang maririnig
    na "I think we need space" at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumuway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag
    ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang.
    Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang.Wala namang ibang magagawa eh.

    Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal nyo kami.

    Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity.
    Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

    Alam nyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung
    wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

    Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang
    umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambli ng ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

    Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.Kapag pumangit ka after the break up, magpapa salamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging
    girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

    Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila na lang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

    Ang mga lalake talaga, oo.

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    748
    #29
    respect each other's boundaries lang.....may mga ganyang tao talaga... take time sabi nga ng mga nauna.

    pero kapag mahal talaga ng lalaki ang gurl usually ndi problem ang commitment. take time lang....

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #30
    Have you watched "the bachelor" starring chris o'donell & renee zelweger? watch it....u will know why men are afraid to commit in a relationship

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
why are men so afraid...