What's the longest time you had to spend stuck in traffic? When did it happen and what caused it?
What's the longest time you had to spend stuck in traffic? When did it happen and what caused it?
Last year Feb. 2012 ba yung may event Iglesia ni Cristo sa quirino gradnstand? Ginawa nilang parking roxas blvd... Coming from Tagaytay pauwi na kami sa manila, 5pm nasa SLEX northbound exit na, after Toll booth simula na crawling traffic, amost 7 hours byahe namin from slex exit to lacson ave UST 11pm na kami nakarating sa house...
CRV W/ Manual tranny pa drive ko, imagine tigas ng clutch tapos gitgitan, lahat ata willing na makipagsagian gawa init ng ulo sa traffic...
pagdating sa bahay para akong lalagnatin sa pagod....
After that na realize ko magaling na ako mag drive dahil nakauwi kami walang bangga...
Sent from my HTC Desire V using Tapatalk 4
Going to malabon,stuck up for 3to4 hours from SM north to monumento,the culprit? Lots of heavy equipment on the road,way back 2009
Northbound via EDSA, labas ako from C5 nuon. 4 hours.
IIRC, friday night traffic + heavy rain. What do you expect.
Matagal na ito nung college pa ako dun sa vito cruz nung nagdeclare na halfday ang school ayun stuck ako sa vito cruz ng 3 hours kada andar hinto ng sobrang tagal.Pinapatay ko na yung engine dahil hindi talaga umaandar. Hindi pa natapos dun sa SLEX pa traffic ulit dumating na ako ng bahay ng 6pm from 1pm yun ah.
Nung college ako, daily route ko dadaan ako ng Cainta Junction, from Volleygolf to Junction 3hrs na. Pag may klase ako ng 7:30, aalis ako ng 5:30AM darating ako ng 7AM sa Mendiola pero pag lumabas ka ng 6AM darating ka na ng maynila ng 10AM. Commute yan G-Liner![]()
about 3.5 hours NB Edsa coming from MOA October last year.
inabutan ng rush hour traffic plus ulan.
Sent from my GT-P3110 using Tapatalk 4
A long time ago going home from school. When the 747overshot the naia runway. 8 hours from ateneo to forbes park. Buti na lang pretty yung mga carpool mates ko. Hehe.
Sent from my iPad using Tapatalk HD
Nung ondoy. from 7pm to 5am ang biyahe ko mula edsa rotunda hanggang bacoor cavite. Baha sa macapagal at pahirapan bago natawid nung bus namin yun baha. Pagdating sa coastal road ayun parking area na pala madami na naglalakad. Baha pala sa buong aguinaldo highway. Buti nalang di nagpatay ng makina yung bus.
Baguio to Makati for almost 12 hrs in 2004. This was during the time NLEX was being constructed. My butt was hurting so bad na. It was very uncomfortable pa because the van was full of stuff we bought from Baguio. Hehe.
Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 4 Beta
Nung ginagawa yung daan sa bulacan at gapan. 10pm - 9am . 1 way lang hindi na nag- bigayan sa daan at Nag salubungan na yung mga truck at bus . Naipit na ko hindi na naka bwelta pa para bumalik sa nlex at sa pampanga na dumaan :-)
Sent from my GT-I9505 using Xparent Cyan Tapatalk 2
When the northern part of our hi-way was being built (going to el nido), road situation is the worst I have experienced. Daming na-iistuck sa mud kasi so hinihila pa nang bulldozer paisa-isa para lang makatawid.
Then when it was our turn to be towed, akalain mo may nagmagaling na bus driver na inilusong yung sasakyan, ayun, barado gitna. Siya tuloy inuna hilain kasi wala din nga naman makakatawid dahil dun siya sa gitna mismo tumagilid. Buwisit talaga, daming drivers gusto siya bugbugin dahil sa kasuwapangan eh. Buti may mga pulis at marine detachment sa area na nilagay for security reasons kaya puro mura na lang at dirty finger inabot niya. We arrived at the area around 3pm, 6am kinabukasan na kami nahila kasi gabi na yun nangyari, dapat kami last na mahihila pero itinigil na muna operation kasi madilim na at walang ilaw yung bulldozer. Tapos umaambon na naman kasi that time.
I don't have the pictures with me now since it was in the memory of my SEk770i pa na retired na. However here is a sample of the area, January yang pic so hindi pa ganun kasama ang daan, June kami na-stranded dyan, panahon na nang tag-ulan kay mas grabe.
![]()
Last edited by Ry_Tower; August 26th, 2013 at 10:32 AM.
Nung anniversary ng INC last year sa Quirino Grandstand worst traffic experience din.![]()
Valenzuela exit to balintawak...
Melenyo na bagyo nastuck ako dun nang 3hrs... maikli pero masakit sa puson dahil ihing ihi na ako.
Wala akong choice kundi buksan ang pinto at umihi sa lapag.