
Originally Posted by
misseksaherada
Nag-search ako ng "social" na word sa Tsikot topics nadaanan ko yung locked topic na "Social Climbers".. Binasa ko start di pa nangalahati, napa-self reflect ako sa activities ko sa Tsikot.. Hinanap ko yung "social" na word curious ako if yung mga Tsikoters active sa social media.
Tapos narelate ko lang.. Same kasi yung napi feel ko sa social media... Naging toxic na sya for me, ang daming social climbers and ang dami na dun nila pinu post feelings nila sa halip na kausapin yung tao na involve (nakakaloka ang parinigan sa fb).. Dati for exchange lang ng experience and share the good times ngayon ang dami ko nakikitang fake.. Much better na avoid na lang yung source..
Dun sa Social Climbers topic, ano ba ang borderline ng pagiging SC dito sa Tsikot? Like ako hindi ako mayaman, pero nagpu-post kasi ako dito (dito lang) ng mga nabibili ko minsan.. Gusto ko kasi ishare kung gaano ko kamura nabili at minsan kapag may nagandahan ako baka kasi interested yung iba bilhan din mga anak nila... Tapos meron din nagsabi kasi before, "no picture, BS!"... Napatanong ako sa sarili "Saan ako lulugar?" Hahahahahaha [emoji23]
Anyway, yun naman kagandahan sa forum kaya dito ako tumatambay sa Tsikot.. Walang masyadong judgemental.. Mas ok dito mag share ng information, kasi maraming successful dito.. Ang dami ko natututunan, ibang perspective kaysa Soc Med...