Again, kung pupunta ka rin lang sa Kongreso at ayaw mo namang tumanggap ng pagkatalo, bakit nagsayang ka pa ng oras na pag-botohan yung impeachment complaint?
Napaka-predictable ng strategy ng opposition. Hindi pa nagsisimula yung preliminary hearing ng Justice Committee, alam mo na kagad na hindi papayag ang opposition na matalo sila. Hindi ba? At pag natalo sila, alam mo na kagad na magra-rally sila. Hindi ba? VERY PREDICTABLE!
Hindi ba nung nagsisimula pa lang ang hearing, si ESCUDERO MISMO ang nag-declare sa media: "WE HAVE THE NUMBERS! WE CAN REACH 79 VOTES!". Ibig sabihin, naniniwala siya sa proseso. Kasi kung lokohan lang lahat ng ito, para saan pa yung pagne-negotiate nila ng boto sa kapwa nila kongresista?
Tapos nung hindi mag-sulputan yung mga tinatawag nilang "we have the numbers!", biglang sasabihin eh ni-railroad daw yung proseso.
Sala sa init. Sala sa lamig. Again, mag-riot ka na lang sa umpisa pa lang kung hindi ka talaga naniniwala sa botohan sa Kongreso. Naging tapat ka pa sa sarili mo.